Mupas Iniharap ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas (kaliwa) ang suspek na naaresto sa pagdadala ng P680,000 na halaga ng shabu, baril at granada sa Binondo, Manila.

Suspek na tulak tiklo sa P680K na shabu

April 26, 2025 Jonjon Reyes 83 views

NATIMBOG ng mga miyembro ng Manila Police District-Binondo Meisic Police Station 11 ang suspek na tulak ng iligal na droga sa Muelle Dela Industria St., Binondo, Maynila noong Biyernes at nasabat ang shabu na nagkakahalaga ng P680,000.

Nakilala ang naarestong suspek na si alyas Datu, 40, ng-Palanca St., Quiapo, Manila.

Natimbog ng mga operatiba ng MPD police station 11 sa pamumuno ni P/Lt. Col. Roberto Mupas ang suspek at ang dala niyang 100 gramo ng shabu na may halagang P680,000.

Nakumpiska rin sa suspek ang isang kalibre .45 baril, 6 na bala at isang hand grenade.

Nahaharap sa patung-patong na kasong paglabag sa RA 9165, RA 10691 at RA 9516 ang naarestong suspek.

AUTHOR PROFILE