Default Thumbnail

Suspek na bebot na tulak timbog; loose firearms isinuko ng kandidato

April 26, 2025 Christian D. Supnad 97 views

SAN JUAN, Ilocos Sur–Nasakote ng mga pulis sa bayang ito ang pinaghihinalaang tulak na babae matapos mabitag noong Sabado sa buy-bust.

Kasabay nito, isang kandidato ang nagsuko ng baril na hindi muna pinangalanan ng mga pulis.

Ayon kay Major Benjamin Raquedan, chief of police, nagsagawa ng buy-bust sina Lt. Reynald Ramos at natimbog ang babae sa anti-illegal drug buy-bust sa Brgy. Bannuar, San Juan, Ilocos Sur.

Ayon kay Lt. Ramos, naka-recover ang mga pulis ng 5.474 na gramo ng shabu na may estimated price na P37,223.20.

Kasama rin sa drug evidence na nakuha ang marked buy-bust money, cellphone, cigarette box, lighter at other items sa illegal activity.