
Sunshine maraming cryptic posts tungkol sa hiwalayan nila ni Macky
WALA mang tahasang pag-amin na nagmumula mismo kina Sunshine Cruz and Macky Mathay, marami ang naniniwala na hiwalay na ang dalawa. Sunud-sunod ang cryptic posts ng aktres sa kanyang Instagram page.
Sa kanyang recent post, sinabi niyang, “Some people are only meant to stay in your heart not in your life.” Lalo itong nag-fuel sa speculation ng marami na hiwalay na nga ang actress sa kanyang boyfriend of six years na si Macky, half-brother ng kaibigan niyang singer-actress at entrepreneur na si Ara Mina.
Ang isa pa sa mga post ni Sunshine sa kanyang IG page ay ganito: “I experienced so much realization and challenges while I was locked in for 35 days.
“It wasn’t easy coz there’s not much you can do but pray and hope for the best.
“Challenges and trials will always be part of our lives and at the end of the day, we just have to focus on positive things coming our way.
“So much blessings are being given to me and my family after all. Wala akong karapatangang magreklamo.
“Everything happens for a reason, live it, love it, learn from it.”
Sunshine and Macky started dating in September 2016.
It was in 2018 nang ma-annul ang marriage ni Sunshine kay Cesar kaya malaya na itong magpakasal sa iba kung ito’y kanyang nanaisin.
Hindi na umabot sa kasalan ang relasyon nila ni Macky dahil bukod sa hiwalay (?) na ang dalawa, hindi pa rin annulled ang kasal ng huli sa kanyang ex-wife na si Camille Farinas with whom he has three kids.
Sa halip na mag-dwell sa hiwalayan (?) nila ni Macky, maraming dapat ipagpasalamat sa Diyos ang singer-actress who is blessed with three beautiful and talented children na sina Angelina, Samantha at Cheska mula sa kanyang ex-husband, ang actor-director at producer na si Cesar Montano.
Hindi rin siya nawawalan ng trabaho.
Donny tinapos ang pag-aaral kahit busy sa career
KAPAMILYA heartthrob Donny Pangilinan graduates from college sa kabila ng pandemic at pagiging busy niya sa kanyang showbiz career.
Hindi ikinakaila ng binata ng mag-asawang Anthony Pangilinan at Maricel Laxa-Pangilinan na hindi madaling pagsabayin ang pag-aaral at ang kanyang showbiz career pero he managed to juggle both.
Although magkakaibang kurso ang kinuha nila ng kanyang two other sisters na sina Ella at Hannah, sabay-sabay silang nagtapos na sobrang ikinatuwa ng kanilang parents.
Ngayong tapos na si Donny sa kanyang kolehiyo, puwede na siyang mag-focus sa kanyang showbiz career at sa kanilang tambalan ni Belle Mariano.
Matapos silang pagsamahin sa hit TV series na “He’s Into Her” Season 1 and 2 at sa kanilang hit digital movie na “Love Is Color Blind” na ipinalabas last December 2021, ang dalawa ay tinatapos ngayon ang kanilang second movie na inaasahang ipapalabas sa mga sinehan, ang “An Incovenient Love” na nakatakdang mapanood on November 23, 2022.
Ngayong lie low (o buwag na?) ang tambalan ng magkasintahang LizaSoberano at Enrique Gil, ang bagong team-up nina Donny at Belle as DonBelle ang namamayagpag ngayon sa kasikatan next to KathNiel ng magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla now celebrating their 11th year bilang magka-loveteam at magkasintahan.
Donny was first paired with Kisses Delavin at nagsisimula na sanang uminit ang tambalan ng dalawa nang umalis ang huli at lumipat ng GMA.
Agad hinanapan si Donny ng bagong katambal sa katauhan ni Belle Mariano at instantly ay nag-click ang dalawa.
As to the career of Kisses ay wala nang narinig mula sa kanya matapos siyang matalo sa Bb. Pilipinas.
Vin at Sophie isang beach wedding ang magaganap
ISANG garden and beach wedding ang nakatakdang maganap kina Vin Abrenica at Sophie Albert sa Club Ananda in Nasugbu, Batangas. Pero hindi pa nila ibinabahagi ang eksaktong petsa nito.
Kamakailan lamang ay nag-shoot ang engaged couple ng kanilang pre-nup pictorial na kinunan sa Anilao, Batangas.
Ang dalawa ay nagkalapit sa isa’t isa nang silang dalawa ang tanghaling winners ng reality talent show na “Artista Academy” ng TV5 nung 2012 which propelled their respective showbiz career.
The two broke-up in 2016 to focus on their respective careers pero mulisilang nagkabalikan after a few months.
Their daughter Avianna Celeste was born last March 15, 2021.
It was on December 12, 2020 nang mag-propose si Vin kay Sophie sa gitna ng sa gitna ng maternity photo shoot ng aktres and announced their engagement in February 2021 bago ipinanganak si Avianna.
Ang nakatatandang kapatid na actor ni Vin na si Aljur Abrenica ay ikinasal sa Kapuso actress na si Kylie Padilla nung December 11, 2018. After more than three years of marriage and two sons na sina Alas Joaquin at Axl Romeo, ang dating mag-asawa ay hiwalay na ngayon.
Umaasa ang supporters nina Vin at Sophie na hindi sila magaya kina Aljur at Kylie na sa hiwalayan nauwi ang pagsasama sa kabila ng pagkakaroon nila ng dalawang anak na pareho pang maliliit.
Aubrey nabiktima ng mandurukot sa Paris
HINDI makakalimutan ni Aubrey Miles ang naging experience sa Paris, France habang nagbabakasyon sila ng kanyang husband, ang Fil-Am actor at entrepreneur na si Troy Montero as part of their delayed honeymoon.
Tulad ng maraming turista sa nasabing lugar, naging biktima rin si Aubrey ng isang pickpocket sa lugar na pinapangarap ng marami na mapuntahan.
Tulad sa Pilipinas at sa New York City, USA, hindi naiiba ang Paris sa pagkakaroon ng pickpockets at ang kanilang binibiktima ay ang mga turista sa nasabing lugar.
Marami na kaming mga kakilalang Pinoy na nagbakasyon sa Paris ang nabiktima ng pickpockets.
Para maalis ang trauma, nag-pose na lamang si Aubreysa iba’t ibang scenic spots in Paris with Troy as her photographer.
Aubrey posted the incident in her IG page to give warning to others na mag-ingat whenever they’re in Paris dahil naglipana roon ang mga pickpocket na hindi naiiba sa Pilipinas laluna sa matataong lugar in Metro Manila.
SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.