
Sunset dip
LUMULUBOG man ang araw, tumaas naman ang temperatura matapos mag-post ng nakakapaso at nakakasilaw sa ganda na litrato ang artistang si Angela Alarcon!
Suot ang kanyang maroon outfit na humulma sa kanyang perpektong katawan, tila isang diyosa siyang lumulutang sa alindog habang tinatamaan ng golden glow ng Boracay sunset.
Walang ligtas ang netizens! “Hottie!!!” sigaw ng isa, habang ang isa ay napa-“Grabe na ‘to! Super hot, super ganda mo!” Parang pagsabog ng araw sa dapithapon, hindi kayang itago ang kanyang kagandahan at kaseksihan.
Sa ganitong level ng hotness, hindi na kailangan ng filter — Angela Alarcon, ikaw na ang bagong sunset glow ng Boracay.