Default Thumbnail

Sundalo nag team building, nalunod

March 31, 2025 Bernard Galang 259 views

NALUNOD ang isang sundalo habang naliligo sa resort sa Gen. Tinio, Nueva Ecija noong Linggo.

Sa ulat kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Jean Fajardo, kinilala ng Nueva Ecija police ang biktima na si SSG Michael Catabay, 38, miyembro ng Philippine Army na taga-Brgy. Palacpalac, Victoria, Tarlac.

Nagsagawa ng team-building activity sa naturang resort ang sundalo nang maganap ang insidente.

Huli umanong nakita ang biktima dakong alas-3:00 ng hapon ngunit sa accounting ng mga tauhan bandang alas-5:00 ng hapon, nawawala na siya at nakita siyang walang malay sa lalim ng isa sa mga swimming pool ng resort.

AUTHOR PROFILE