Pic1

Summer filmfest entries handang-handa na

February 26, 2023 Aster Amoyo 512 views

PicSA kauna-unahang pagkakataon ay magkakaroon ng Summer Metro Manila Film Festival na brainchild ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na nakatakdang maganap sa darating na April 8 – 18, 2023.

The 11-day summer filmfest will feature eight official entries to be shown nationwide. Ang Parade of Stars ay gaganapin in Quezon City on April 2, 2023 habang ang Gabi ng Parangal or awards night ay gaganapin on April 11 (Tuesday) , 2023 sa New Frontier Theater in Quezon City.

Ang proceeds ng summer film festival ay mapupunta sa iba’t ibang film organizations tulad ng Movie Worker’s Welfare Foundation, Inc. (MOWELFUND), Motion Pictures and Anti-Film Piracy Council, Film Development Council of the Philippines (FDCP) at Optical Media Borad (OMB).

Ang walong official entries sa kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival ay ang mgasumusunod:

“Apag” na dinirek ni Brillante Mendoza at tinatampukan nina Coco Martin, LitoLapid, Jaclyn Jose at Gladys Reyes;

“Unravel” ng Mavx Productions kung saan mga tampok na bituin sina Gerald Anderson at Kylie Padilla and was shot in Switzerland;

“Single Bells” (comedy film) kung saan mga pangunahing bituin sina Alex Gonzaga at Angeline Quinto;

“Here Comes the Groom” ni Chris Martinez na pinagbibidahan nina Enchong Dee at Keempee de Leon kasama sina Aura Briguela, Maris Racal at Kalad Karen;

“Yung Libro na Napanuod Ko” stars and directed by Bela Padilla with Korean actor Yoo Min-gon under Viva Films;

“Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko” (musical) na dinirek ni Joven Tan at pinangungunahan nina RK Bagatsing at Meg Imperial;

“About Us But Not About Us” kung saan tampok sina Romnick Sarmenta at Elijah Canlas;

“Love You Long Time” ni JP Habac na pinagbibidahan ni Carlo Aquino.

Ang Summer Metro Manila Film Festival selection committee ay pinamumunuan ng veteran actress nasi Boots Anson Roa-Rodrigo.

Samantala, malaking challenge ito sa bumubuo ng Summer Metro Manila Film Festival dahil ang kauna-unahang summer film festival ay nation na Holy Week at nasa vacation mode ang karamihan ng mga tao o mgamanonood. Wala ring pasok ang mga estudyante.

Kung ang Viva Films ang nanguna sa walong entries sa 2022 Metro Manila Film Festival sa pamamagitan ng “Deleter” napinagbidahan ni Nadine Lustre at dinirek ni Mikhail Red, maulit kaya ito sa movie ni Bela Padilla at South Korean actor na si Yoo Min-gon, “Ang Yung Libro Na Napanuod Ko” na si Bela din mismo ang nagdirek?

Wala pa kaming idea kung ang comedy movie na “Here Comes the Groom” nina Enchong at Keempee ay hango sa 1951 Hollywood comedy musical romance movie of same title na pinagbidahan nina Bing Crosby at Jane Wyman o isa itong original Filipino comedy film.

Ang pagkakaroon ng Summer Metro Manila Film Festival ay isang magandang indikasyon na unti-unti nang naibabalik ang mga manonood sa pagbabalik sa mgasinehan.

Nagtatrabaho na, nakakapamasyal pa

RichardRichard1JoshuaJoshua1JodiANG suwerte ng bumubuo ng cast at production people behind the TV series “Unbreak My Heart” na pinangungunahan nina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, Joshua Garcia at Gabbi Garcia dahil bukod sa may pagkakataon din silang makapamasyal sa magagandang lugar tulad ng Switzerland at Milan, Italy kung saan sila unang nag-taping.

Hindi pa man ibinabahagi kung kailan maipapalabas ang “Unbreak My Heart” na magkatulong na pinamamahlaan nina Manny Palo at Dolly Dulu para sa ABS-CBN, GMA at Viu, ngayonpa lamang ay excited na ang lahat na ito’y mapanood.

After ng taping sa Switzerland, ang grupo ay nasa Milan, Italy ngayon. Wow.

Martin, KZ first time magiging coaches ng ‘The Voice Kids’

KABILANG sina Martin Nievera at KZ Tandingan sa mga tatayong coaches sa bagong season ng “The Voice Kids – Philippines” kung saan kasama nila ang original coach na si Bamboo. The two are replacing the original other two coaches na sina Lea Salonga at Sarah Geronimo. This will be hosted by Bianca Gonzales at Robi Domingo na first time ding maghu-host sa nasabing reality singing competition for kids which was original hosted by Luis Manzano and Alex Gonzaga. Sina ElhaNympha and Jeremy G as online hosts.

Ang unang apat na season ng The Voice Kids (Philippines) ay nakapag-produce ng apat na grand winners na pinangunahan ng dating child singer na si Lyca Gairanod (2014), ElhaNympha (2015), Joshua Oliveros (2016) at Vanjoss Bayaban (2019).

Unang pagkakataon din nina Martin at KZ na maging coach/judge sa isang reality singing competition for kids which make it exciting para sa dalawa.

Si KZ (30) ay produkto rin ng isang reality competition, ang “The X-Factor Philippines” nung 2012 which propelled her singing career to the top and is now considered as Asia’s Soul Supreme.

Concert King Martin Nievera (61) has been in the industry for a little over 4 decades since 1982.

Ang bagong season ng The Voice Kids (Philippines) ay sinimulan last February 25, 2023, and every Saturday and Sunday nights thereon.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE