
Summer entry
WALANG paawat sa init si Isabel Luche matapos niyang magpatikim ng maagang summer vibes sa kanyang latest pasabog sa social media!
Suot ang summer-designed bikini, ibinida ng social media stunner ang kanyang matinding katawan at flawless na face card—walang retoke, puro ganda.
Sa kanyang caption na “Too early for summer”, tila nagpaalala si Isabel na hindi lang panahon ang kayang paiinitin, pati na rin ang puso ng kanyang fans.
Wala nang inaksayang oras ang mga netizens sa pagbuhos ng reaksyon. Napuno ng heart at fire emojis ang naturang post ng dalaga.