Resto

Stockroom ng resto nasunog

April 25, 2025 Edd Reyes 85 views

NATUPOK ang stockroom ng restaurant dahil sa nag-short circuit na kuryente noong Biyernes sa Makati City.

Sa ulat ng Makati Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang apoy sa stockroom ng Peetchee’s Bulalo House sa ground floor ng limang palapag na condominium sa kanto ng Mola at Primo De Rivera Sts., Brgy. La Paz dakong ala-1:30 ng madaling araw.

Nagising lang ang mga tao sa condominium nang mawalan ng kuryente at balutin ng usok ang paligid.

Wala iniulat na nasawi o nasugatan maliban sa ilang nahirapang huminga sanhi ng makapal na usok.

Hindi nadamay sa sunog na umabo sa tinatayang P1.6 milyong halaga ng mga gamit ang 35 units ng condominium na umabot sa unang alarma matapos ideklarang fire out dakong alas-2:21 ng madaling araw.

Walang tao sa bulaluhan ng sumiklab ang sunog, ayon sa report.

AUTHOR PROFILE