
‘Stay juicy’
KAHIT nga matigang na ang mga barako dahil sa init ng panahon, makatas pa rin ang sex appeal ng isa sa mga pinaka bagong Vivamax babes ngayon na si Roxanne De Vera.
Sa social media, sigaw ng sexy star “stay juicy” kalakip ang mga larawan kung saan kabogera ang pag-display niya ng kaseksihan.
Sa kanyang IG post, pak na pak ang hubog ng hot actress. Palaban sa pagandahan ng kurba ang atake ng kanyang karisma.
Mala-ponkan sa tamis ang ngiti ng mga nasa opposite sex nang masipat ang kaseksihan ni Roxanne sa suot niyang orange two-piece bikini.
Hulog na hulog din ang kanyang mga tagahanga sa ganda na ipinakita ni Roxanne. Fresh at glowing ang face ng sexy star habang ang katawan nito ay nagwawala sa umaapaw niyang hotness.
Siguradong aabangan ang kaya niyang ibuga pagdating sa pagiging Vivamax star dahil ang netizens may bilib na agad sa kanyang alindog at karisma pagdating sa social media.