
Star Magic School for the Creative & Performing Arts inilunsad
Malaking hakbang ang ginawa ng Star Magic nang i-launch nito ang Star Magic School for the Creative & Performing Arts (SMSCPA), dating Star Magic Workshop, sa isang mediacon kamakailan.
Ginanap ito sa ABS-CBN Studio 3, kung saan nagtipon ang industry experts, media personalities at aspiring artists na gustong simulan ang kanilang creative journey.
Kilala ang Star Magic bilang premier talent management at training hub. Nag-evolve rin ito bilang isang mas malawak na institusyon na humuhubog sa performers sa iba’t ibang larangan.
Expanded ang workshop curriculum mula sa acting, singing, dancing, directing at character building dahil kasama na ang master classes mula sa mga respetadong mentor sa industriya.
Dumalo sa event sina Direk Laurenti Dyogi, head ng ABS-CBN TV Production, at Raymund Dizon, Business Unit Head ng Star Magic at ABS-CBN.
Kasama ring humarap sa press ang iba pang mentors tulad nina HB Benitez III (Star Magic SCPA Kids Acting Coach), Teacher Alecx Lorica at Teacher Marcel David (Meisner Acting para sa teens at adults), Meann Espinosa (SCPA Theater Acting Coach), Direk Jon Moll (ABS-CBN TV Director), Kirby Balagtas, Dale Recina at Troi Bautista mula sa You Me Us MNL.
Present din ang voice mentors na sina Teacher Julie Anne Reyes, at BGYO/BINI Coaches Anna Graham at Jerwin Nicomedes, pati na rin ang head choreographers ng BINI at BGYO na sina Coach Mickey Perz, Coach Reden Blanquera, Coach Matthew Almodovar, Coach Aennon Tabungar at Coach Josh Junio.
Nagbigay naman ng performances si Talia Concio at ang BGYO, na produkto rin ng Star Magic Workshops.
Nagbahagi naman ng kanilang experiences sina Kai Montinola at Jasmine Scales, dating “Pinoy Big Brother” housemates, kung paano binago ng Star Magic Workshops ang kanilang artistic development.
Sa tanong kung paano nananatiling relevant at impactful ang Star Magic talents, sinabi ni Raymund na, “That’s the advantage of having subject matter experts in the school, because they have different point of views na nai-instill sa ating mga star dreamers to keep them relevant.”
Ibinahagi rin ni Coach Mickey Perz na, “In social media, a lot of people have talent, but talent will always bring you to a certain level; now how do you nurture that? That’s when you put skill into it.”
Dagdag pa niya, “The way you will nurture your talent is to get the right equipment… so you can always move on to what is current. You have to understand if you want to evolve, you have to humble yourself enough na you have to work hard for what you want to get.”
Ayon naman kay Teacher HB, “Acting is more than just memorizing and reciting lines; acting is about truth; it’s about exploring the complexities of the character and delving into the depths of the human experience and illuminating the truths that connect us all; that’s why we, at SMSCPA have expanded and have added more acting courses.”
Si Coach Julie Anne nagsabi na, “Dito rin nanggaling si Sofronio Vasquez, our champ for The Voice Season 26 US, he was with us sa Star Magic workshops for 5 consecutive classes, from basic to master class.”
Sa graduates ng Star Magic Workshops, ibinahagi ni Coach HB ang ilan sa pinaka-memorable at ipinagmamalaki nila: “‘Yung mga nanggaling sa workshop na talagang ipinagmalalaki namin, ’yung talagang nag excel sila sa napili nilang field… sa acting it would be the likes of Joshua Garcia, Arjo Atayde, Alora Sasam for comedy, Dimples Romana, actually ang dami nilang nag-start sa workshop, foundation muna nila ’yung training bago sila sumikat.”
Ipinakilala rin ng mentors ang iba’t ibang courses ng SMSCPA, kabilang na nga ang Meisner Core Program para sa acting, Popshop Workshop para sa singing at dancing, at Voice Workshop para sa pagpapahusay ng vocal skills.
Bukas na ang onsite enrollment ngayong March 29-30 at magpapatuloy sa April 5-6. Limited lamang ang slots.