Mupas SPIDERMAN–Kinilala ni Police Lt. Col. Roberto Mupas (kaliwa), hepe ng MPD Raxabago PS-1, ang dalawang naaresto sa pagnanakaw kabilang ang isang menor de edad na nahulihan ng patalim. Kuha ni Jon Jon Reyes

‘Spiderman’ ng R10, tropa tiklo sa patalim

October 2, 2023 Jonjon Reyes 460 views

ISANG 24-anyos na binata at 16-anyos na binatilyo ang inaresto ng mga pulis ng Manila Police District-Smokey Police Community Precinct dahil sa pagwawala habang armado ng patalim sa Tondo, Manila Linggo ng gabi.

Nakilala ang suspek na alyas Jay Spiderman, ng Barangay 128, Zone 10, Tondo na kilala sa naturang lugar bilang jumper o sumasabit sa mga truck para nakawin ang mga dalang bakal habang bumibiyahe sa Mel Lopez Blvd., Tondo, Maynila.

Samantala, dahil sa menor de edad ang kasama nito, itinago sa pangalang Toto at residente din sa nasabing lugar.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, Station Commander ng MPD-Raxabago Police Station 1, bandang 6:15 ng gabi nang namataan ang dalawa na armado ng patalim at nagsisisigaw sa tapat ng Building 19, Aroma Compound, Brgy 105, Tondo.

Kasalukuyang nagsasagawa ng Simultaneous Anti- Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sina Police Corporal Antonio Agustin Jr., Police Corporal Marcial Cerezo Jr., at si Patrolman Freewin Carl Mariano ng Smokey Police Community Precinct nang mamataan ang dalawa na nagsisisigaw sa kalye at kapwa armado ng patalim.

Hindi na pumalag ang dalawa nang disarmahan at posasan bago dalhin sa presinto.

AUTHOR PROFILE