
Speaker Romualdez: Semana Santa isang paalala na maglingkod ng may katapatan, malasakit
ANG Semana Santa ay isang paalala sa mga lingkod-bayan na maglingkod nang may katapatan, integridad, malasakit at pagtugon sa pangangailangan ng kapwa, ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.
“For those of us in public service, Holy Week is a time to pause and return to the core of our calling. It is a reminder to serve with sincerity, to lead with empathy, and to be more attentive to those who are quietly carrying burdens,” ani Speaker Romualdez sa isang mensahe.
Hinimok din ng pinuno ng Kamara, na mayroong 306-kinatawan, ang sambayanang Pilipino na pagnilayan ang buhay, pagdurusa at muling pagkabuhay ni Hesukristo.
“As we enter the solemn days of Holy Week, I invite every Filipino to reflect on the life, suffering, and resurrection of our Lord Jesus Christ. His journey reminds us that true strength is found in sacrifice, healing is born of forgiveness, and faith offers hope even in our darkest moments,” ayon kay Speaker Romualdez.
“In Christ’s story, we see our own. We know what it means to struggle, to endure loss, and to keep believing. The Filipino spirit has always risen above hardship — with quiet courage, deep faith, and compassion for others,” saad pa ng pinuno ng Mababang Kapulungan.
Sinabi rin ni Speaker Romualdez na ang sagradong panahon na ito ay magdudulot ng kapayapaan sa mga pagod, lakas sa may mga pagdududa at ginhawa sa mga nangangailangan.
“May it renew our values, strengthen our families, and inspire greater kindness and unity in our communities,” ayon sa kongresista.
“On behalf of the House of Representatives, I offer my prayers for a meaningful, quiet, and grace-filled Holy Week. May the love of Christ dwell in every Filipino home, and may God continue to bless and guide our beloved Philippines,” ayon pa kay Speaker Romualdez.