Martin Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

Speaker Romualdez: Pondo mula ayuda para sa rice subsidy program suportado

April 25, 2025 Ryan Ponce Pacpaco 100 views

SUPORTADO ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang panukala na gamitin ng gobyerno ang pondo para sa ayuda sa pag-subsidize sa presyo ng bigas upang makapagbenta ng P20 kada kilo ng bigas sa buong bansa.

“Providing affordable rice directly addresses hunger and ensures that assistance reaches the dining tables of Filipino families. This approach guarantees that government support translates into actual food security for our citizens,” ani Speaker Romualdez.

Ang pahayag ni Romualdez ay kasunod ng anunsyo ng Department of Agriculture (DA) ukol sa pagsisimula ng pilot implementation ng P20 kada kilong bigas sa rehiyon ng Visayas.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., papayagan ang mga kwalipikadong pamilya na makabili ng hanggang 10 kilo ng bigas kada linggo sa subsidized rate.

Sa isang post sa social media, binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagahan ng programang ito: “20 pesos per kilo rice. That was the promise—and today, we begin to make it real, starting in the Visayas.”

Tinukoy din ni Romualdez ang matagumpay na implementasyon ng kaparehong programa sa lalawigan ng Camiguin, kung saan ang pagtutulungan ng mga lokal na pamahalaan, Department of Social Welfare and Development (DSWD), at mga lokal na tindahan ay nagresulta sa pagbibigay ng bigas sa kalahating presyo.

Pinuri niya sina Camiguin Governor Xavier Jesus Romualdo at Congressman Jurdin Jesus Romualdo sa pamumuno sa inisyatiba.

“The Camiguin model demonstrates the effectiveness of coordinated efforts among national agencies, LGUs, and private sector partners in delivering tangible benefits to the people,” wika ni Romualdez. “It’s a blueprint worth replicating nationwide.”

Sa ilalim ng mungkahing programa ng DA, katuwang ang Food Terminal Inc. (FTI) at mga local government unit (LGU), sasagutin ng pamahalaan ang diperensya sa presyo mula sa regular na halaga patungo sa P20 kada kilo.

Layunin ng mekanismong ito na gawing tuloy-tuloy at sustainable ang rice subsidy program sa buong bansa.

“If it works in Camiguin, it can work across the country,” sabi ni Romualdez. “This is a clear example of how the national government, LGUs, and private retailers can come together to deliver direct, practical relief to Filipino families.”

Ang mga piling low-income households ay bibigyan ng ID cards para makabili ng bigas sa mas mababang presyo mula sa mga accredited retailers.

Ang diskuwento ay sinusuportahan ng pondo mula sa mga local at national agency, habang sinisigurado ng pamahalaan ang sapat na supply ng de-kalidad na bigas.

“Instead of giving out cash that may not go directly to food, this system ensures the ayuda reaches the dinner table,” ani Romualdez. “Mas mainam kung bigas ang mismong naipapamigay—nakakabusog, nakakatulong, at tiyak ang patutunguhan.”

Ipinahayag din ni Romualdez na handa ang House of Representatives na itulak ang sapat na pondo para sa 2026 national budget upang maisabatas at mapalawak ang rice subsidy system, sa pakikipagtulungan ng DSWD at mga LGU.

“Ang panawagan ko sa ating mga LGU: pag-aralan ninyo ang modelong ito. Kami sa Kongreso ay handang tumulong sa pagbuo ng pondo at patakaran para mailunsad ito sa inyong mga komunidad,” aniya.

Binanggit din ni Romualdez na ang hakbang na ito ay pagsuporta sa layunin ni Pangulong Marcos para sa food security sa bansa.

“This is not just a subsidy—it’s a signal that we are serious about food on every Filipino’s table,” ani Romualdez. “Sa tulong ng mga LGU, DSWD, at ating mga local store owners, kayang-kaya nating gawing realidad ang P20 kada kilong bigas.”

Sa huli, sinabi ng Speaker na ang rice subsidy program ay isang malinaw na halimbawa ng tulong na may direkta at konkretong benepisyo para sa mamamayan: “Kapag ang bigas ay mura, ang bayan ay panatag.”

AUTHOR PROFILE