BBM Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Speaker Romualdez: PBBM para sa hustisya

April 20, 2025 Ryan Ponce Pacpaco 273 views

PINURI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang Philippine National Police (PNP), sa ilalim ng pamumuno ni General Rommel Marbil, sa mabilis na pagkakaaresto sa mga suspek sa pagdukot at pagpatay sa Filipino-Chinese businessman na si Anson Que at sa kanyang driver.

Ayon kay Speaker Romualdez, malinaw na ipinapakita nito ang determinasyon ng administrasyon ni Pangulong Marcos na maihatid ang katarungan at maprotektahan ang publiko laban sa mga organisadong krimen.

“This case proves that our law enforcement institutions, when fully supported, are capable of solving even the most complex crimes without resorting to violence or extrajudicial means,” ani Speaker Romualdez, pinuno ng 306-kinatawan ng Kamara de Representantes.

“We commend the PNP, led by General Marbil, for showing that the rule of law works when we are united in purpose and committed to due process,” dagdag pa ni Speaker Romualdez, isang abogado mula sa University of the Philippines (UP).

Nagpasalamat din ang lider ng Kamara kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang matatag na suporta sa PNP sa pagtugis at pagdakip sa mga suspek.

“The commitment to quickly resolve this case is a testament to President Marcos’ strong leadership and commitment to keeping our communities safe. It shows that under this administration, no criminal will be beyond the reach of justice,” ani Speaker Romualdez.

Ang mga suspek—na nakilalang sina Ricardo Austria David, Raymart Catequista, at David Tan Liao—ay nasa kustodiya na ngayon ng PNP Anti-Kidnapping Group.

Si Liao, isang Chinese national, ay kusang-loob umanong sumuko at inamin ang kanyang pagkakasangkot sa krimen.

Naaresto naman ang dalawa pa sa isang police operation sa Palawan noong Biyernes.

Si Que, na kilala rin bilang Anson Tan, at ang kanyang driver na si Armanie Pabillo, ay iniulat na nawawala noong Marso 29 matapos umalis mula sa kanilang opisina sa Valenzuela City.

Isang ransom demand na nagkakahalaga ng $20 milyon ang ipinadala sa pamilya nito sa pamamagitan ng WeChat kinabukasan.

Dalawang bangkay ang natagpuan sa Rodriguez, Rizal, at nakumpirma na ito sina Que at Pabillo sa pamamagitan ng mga nakuhang forensic evidence.

Bumuo ang PNP ng isang special investigation task group mula sa iba’t ibang yunit—kabilang ang Criminal Investigation and Detection Group at ang Anti-Cybercrime Group—at gamit ang mga CCTV footage, cyber monitoring at forensic evidence ay natukoy ang mga suspek.

Iniimbestigahan na rin ngayon ng mga otoridad ang posibleng kaugnayan ng kaso sa illegal Philippine offshore gaming operation (POGO), gayundin ang iba pang mga motibo maliban sa kidnap-for-ransom.

Sinabi ni Speaker Romualdez na ang pagkakaaresto—na naisakatuparan sa pamamagitan ng koordinasyon, intelligence work at paggamit ng teknolohiya—ay nagpapakita na epektibo ang makabagong pagpapatupad ng batas at inter-agency cooperation.

“This is the kind of law enforcement we need—decisive, coordinated, and most importantly, humane,” ani Speaker Romualdez.

Muling tiniyak ni Speaker Romualdez ang suporta ng Kamara sa mga panukalang batas na magpapalakas sa kakayahan ng mga tagapagpatupad ng batas, magpapabuti ng koordinasyon ng mga ahensya, at magpapalakas sa sistemang pangkatarungan ng bansa.

“Our responsibility is to make sure our laws and institutions work to protect every Filipino,” ani Speaker Romualdez.

“We will continue to support efforts that ensure justice is served swiftly, fairly, and within the bounds of the law,” diin pa niya.

AUTHOR PROFILE