Martin Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

Speaker Romualdez: Ang Pasko ng Pagkabuhay ay tungkol sa pag-asa, tagumpay vs hamon ng buhay

April 20, 2025 People's Tonight 188 views

ANG Pasko ng Pagkabuhay ay simbolo ng pag-asa, pagbabago ng mga pagpapahalaga, at tagumpay sa kabila ng mga pagsubok.

Ito ang mensahe ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kasabay ng kanyang pakikiisa sa sambayanang Pilipino sa pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay.

“This Easter Sunday, we pause to honor a truth that lies at the center of our faith: even in our darkest moments, there is always the promise of renewal. The resurrection of Jesus Christ is not only a triumph over death but a reminder that no sorrow is final and no burden is carried alone,” ani Speaker Romualdez.

“We see this truth reflected in the lives of our people. In the strength of families facing hardship, in the quiet resilience of those who keep going despite the odds, and in the everyday acts of kindness that often go unseen, we witness the grace that holds our nation together,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.

Paalala rin ng lider ng 306 miyembro ng Kamara de Representantes sa mga opisyal ng pamahalaan, ang Pasko ng Pagkabuhay ay isang mensahe na ang tunay na paglilingkod ay hindi ang posisyon kundi ang kakayanan na makinig, makiramay at unahin ang iba bago ang personal na interes.

“True service is not defined by title or power, but by the ability to listen, to act with compassion, and to place the needs of others above personal interest. It is in these quiet acts of duty that the spirit of public service is fully realized,” saad nito.

“Let this sacred day renew in us the values that endure. May we move forward not only with hope, but with a deeper sense of responsibility to care for one another and to build a country that lifts every life and leaves no one behind,” wika pa ni Speaker Romualdez.

Sa ngalan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, ipinaabot ni Speaker Romualdez sa sambayanang Pilipino ang kanyang pagbati para sa isang mapagpala at makabuluhang Pasko ng Pagkabuhay.

“May the Risen Christ bring peace to your homes and guide our shared journey toward a future filled with faith, purpose, and grace,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.

AUTHOR PROFILE