Chiz

SP Chiz tiniyak karapatan ng mga makukulong sa Senado

July 17, 2024 PS Jun M. Sarmiento 263 views

SINIGURO ni Senate President Francis Chiz Escudero ang lahat ng mga makukulong sa Senado na ire-respeto ang kanilang karapatan at itatrato sila ng tama.

Sa isang ambush interview kay Escudero, sinabi nitong wala siyang nakikitang masama kung bakit dapat pagkaitan ang sinuman na madedetine sa kustodiya ng Senado lalo na si Tarlac Bamban Mayor Alice Leal Guo at iba pang mga kamag anakan nito na kasama sa iniimbita ng Senado.

Nakadetine na ang accountant ni Mayor Guo na si Nancy Gamo at pinapayagang gumamit ng mga importanteng gadget tulad ng cellphone.

Kinumpirma rin ni Escudero na si Gamo dumaan pa sa mga medical checkup bago pumasok sa kustodya ng Senado.

Ang pagkakahuli ni Gamo at pag isyu ng warrant of arrest kina Mayor Guo at iba pang personalidad dahil sa kanilang pagkakadawit sa kontrobersiya ng Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) hub.

Sinabi ng Office of the Senate Sergeant-at-Arms na ligtas at walang dapat alalahanin ang sinuman maging si Mayor Guo at mga kasama nito habang sila nasa loob ng Senado sakaling madetine.

Sinabi ni Sen. Escudero na ibinigay niya na ang lahat ng karapatan kay Roberto Angcan, hepe ng Senate sergeant-at-arms, upang siya mismo ang sumagot at magbigay ng kaukulang impormasyon sa mga isyung kailangan tugunan tungkol sa detention area sa Senado.

“Natural lamang po na si Mr. Angcan na ang pasagutin natin pagdating sa detention ng ating mga guest na naisyuhan ng arrrest warrant. He is in the right position to answer for those issues,” pagtatapat ni Escudero.

Kinumpirma ni Angcan na ang detensyon area dating daycare center sa tabi ng PNP station sa loob mismo ng compound ng Senado sa Pasay City.

Sinigurado niya na kayang magbigay ng akomodasyon kina Guo at iba pang mga kasama nito tulad ng kanyang mga kapatid na sina Shiela, Siemen at Wesley; tatay na si Jian Zhong Guo at ang sinasabing nanay na si Lin Wen Yi.

Para naman kay Angcan mismong ang pangulo aniya ng Senado ang nagsabing mas tama at magiging komportable sina Guo at ang kanyang pamilya kung sila ay pagsasama samahin sa iisang lugar.

” Dennis Cunanan, the former director of the Technology and Livelihood Resource Center, can be detained in a room in the basement of the Senate building where Nancy Gamo, the Guo family’s accountant, is detained in another room,” ani Angcan.