Chiz1

SP Chiz: Sino ba talaga mga protektor ng POGO?

June 30, 2024 PS Jun M. Sarmiento 44 views

SINABI ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na oras na para alisin ang maskara ng mga nasa likod at protektor na humihiling sa palawigin pa ang lisensiya at operasyon ng mga illegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Sinabi ng senador na napapanahon na para ilahad ang katotohanan kung sino ba talaga ang mga protektor at tagapagtanggol ng mga POGO sa pamamagitan ng pagturan kung sino talaga ang taong ito.

Batay ang reaksyon ni Escudero sa naunang paglalahad ng pinuno ng Philippine Amusement Gaming Corp. na isang dating kalihim ang nasa likod ng pagkumbinsi sa kanila para mapalawig pa ang operasyon ng mga iligal na POGO.

Para kay Escudero, napapanahon na para pangalanan ang taong ito.

Hinimok din ng pangulo ng Senado sina Sen. Risa Hontiveros, chair ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, kasama na si Sen. Sherwin Gatchalian na siyang may akda ng resolusyon na imbestigahan ang POGO sa Senado na mas malalim.

“Find out if he/she violated any laws,” ayon kay Escudero.

Ito rin ang panawagan ni Senate Minority Leader Aquilino Koko Pimentel at sinabing dapat maipakita ang mukha ng taong nagbibigay proteksyon sa mga iligal na POGO.

“To be fair to all former cabinet members, PAGCOR should reveal the identity of this person, also so that he or she can defend him or herself too,” giit ni Pimentel.

Aminado naman si Hontiveros na sadyang batid niya na may mga posibleng protektor na ito na nasa likod ng POGO.

“Whoever that ex-Cabinet officials turns out to be, the fact remains: “POGOs are being used as a legal cover for scam hubs.”