Chiz Source: Screen grab from FB video

SP Chiz kinondena atake sa Pinoy festival sa Vancover

April 27, 2025 PS Jun M. Sarmiento 116 views

IPINAHAYAG ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang matinding dalamhati at mariing pagkondena kasunod ng marahas na pag-atake laban sa mga Pilipino sa isang street festival sa Vancouver, Canada.

Sa kanyang opisyal na pahayag, nagpaabot si Escudero ng kanyang pakikiramay.

“I express my deepest sympathies and condolences to the family and loved ones of the victims of this dastardly attack on Filipinos holding a peaceful street festival in Vancouver, Canada to celebrate Lapu-lapu Day.” Ani Escudero.

Nangyari ang insidente sa Lapu-Lapu Day Festival, isang taunang pagdiriwang na nagbibigay-pugay sa bayaning Pilipinong lumaban sa pananakop ng mga Kastila.

Binigyang-diin ni Escudero ang pangangailangan ng agarang hustisya, ipinahayag niya, “My thoughts and prayers are with the victims of this shocking and horrific incident, whose perpetrator and possible accomplices should be brought to justice and punished to the fullest extent of the law.”

Batay sa mga ulat, isang 30-anyos na lalaki mula Vancouver umano ang nagmaneho ng isang itim na SUV patungo sa isang grupo ng tao sa kasagsagan ng festival, na nagresulta sa pagkamatay ng hindi bababa sa siyam na katao at pagkasugat ng marami pa. Ayon sa ulat, nahuli ng mga bystander ang suspek bago ito tuluyang inaresto ng pulisya sa lugar ng insidente.

Dagdag pa rito, hinikayat ni Escudero ang mga awtoridad ng Canada na gamitin ang lahat ng paraan sa kanilang imbestigasyon.

Aniya, “There is no place in this world for such horrible acts of violence and I trust that the Canadian law enforcement agencies will leave no stone unturned to ensure that justice is served.”

Iniulat din na nagpahayag ng pakikiramay sina Canadian Prime Minister Mark Carney at British Columbia Premier David Eby sa mga biktima at sa Filipino-Canadian community.

Samantala, nanawagan si Escudero sa mga Pilipinong diplomat sa Canada na magbigay ng agarang tulong sa mga biktima at kanilang mga pamilya. Ipinahayag niya,

“I urge our Philippine Consulate and other Embassy officials in Vancouver and Canada to extend all assistance possible to Filipino victims and their families and ensure that they are well taken cared of and for steps to be undertaken to prevent this from happening again in the future.” Pahayag ng Senador.

Sa ngayon, nananatiling hindi malinaw ang motibo ng naturang pag-atake. Ipinaliwanag ng mga awtoridad na bagama’t dati nang kilala ng pulisya ang suspek, hindi nila itinuturing na isang teroristang insidente ang nangyari.

Samantala, nakikipag-ugnayan na ang Philippine Consulate General sa Vancouver sa mga awtoridad ng Canada upang matiyak na lahat ng naapektuhang Pilipino ay makatatanggap ng nararapat na suporta.