Korean

South Korean idineport ng BI

June 29, 2024 Jun I. Legaspi 46 views

INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang South Korean national na itinuturing na pugante sa kanilang bansa.

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang pasahero na si Sin Man Seung, 54.

Naharang sa NAIA terminal 1 noong Hunyo 21 ang suspek habang pasakay ng Philippine Airlines patungong Busan, South Korea makaraang magpositibo sa BI Interpol system.

Bukod dito, pasok din si Sin sa BI’s watchlist ng mga dayuhan na mayroong deportation cases dahil sa pagiging undesirable alien.

“We will deport him to Korea and perpetually ban him from re-entering the country by putting him in our blacklist,” pahayag ni Tansingco.

Mayroong warrant of arrest si Sin na inilabas noong February 24 ng Daegu district court dahil sa kasong fraud.

Nabatid na hinikayat ni Sin ang ilang biktima mula noong October 2018 hanggang July 2019 na mag-invest sa casino business at pinangakuan ng 10-percent interest bilang dagdag sa repayment ng principal loan.

Pero matapos makalikom ng $600,000, tumakas si Sin sa Pilipinas.

AUTHOR PROFILE