Sia

Sotto hinamon ng debate ni Sia

April 2, 2025 People's Tonight 397 views

HAYAGANG binatikos kamakalawa ni congressional aspirant Atty. Ian Sia si Mayor Vico Sotto dahil sa pangako umano nitong infrastructure projects.

Ayon kay Sia, na ang law office ay palaging bukas sa mga Pasigueño na nangangailangan ng libreng serbisyo-legal, “walang pangunahing impraistruktura – ‘tulad ng mga gusaling paaralan, pabahay at ospital – na naipatayo sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

“Binigyan po kayo ng pagkakataon dahil nagkaroon ng pandemya,” mariing pahayag ni Sia sa kanyang talumpati sa isang caucus meeting sa Barangay Bagong Ilog.

“Sabihin nyo nga po sa akin kung may naipatayong ospital, mga eskwelahan, pabahay?,” dagdag pa ni Sia.

Hinamon din ni Sia si Sotto na maghain ng kaukulang kaso laban sa nakaraang administrasyon kung tunay na tiwali ang mga ito.

Hinamon din ni Sia si Sotto at ang kanyang koponan sa isang pampublikong debate upang talakayin ang mga isyu sa lungsod.

“Pag ako nagsasalita, tameme kayo. Hinahamon ko ang mayor natin—public debate, magsama-sama na kayo,” ani Sia.

Wala pa namang tugon ang alkalde sa hamon na debate ni Sia.

AUTHOR PROFILE