Sophia Sophia Asistio

Sophia Asistio on dad Baron Geisler: ‘I show respect, but there are still boundaries’

December 16, 2024 Eugene E. Asis 274 views
Baron
Baron Geisler
Nadia
Nadia Montenegro

NAGKAKAROON ng ibang lasa ang mga lutuin sa show ni Mikee Quintos na “Lutong Bahay” sa GMA7.

Bagama’t halos pareho ito ng isang lumang show, mas kumpletos rekados ito dahil bukod sa pagluluto at pagkain na paboritong pasttime ng mga Pilipino, nagiging sourc din ito ng mga natatagong kuwento sa buhay ng mga celebrity na sinusugod ni Mikee upang ipagluto o tulungang magluto.

Kasama ang radio personality na si Papa Dudut, sinugod nila ang bahay ng aktres na si Nadia Montenegro kung saan nakasama nito ang anak na si Sophia Asistio. Siyempre, unti-unti na ring sumisikat si Sophia hindi lamang dahil sa kanyang ganda kundi pati na rin sa kontrobersiya tungkol sa kanyang tunay na pagkatao.

Marami na rin ang nakaaalam na si Sophia ay anak ng mahusay na aktor na si Baron Geisler kay Nadia.

At sa usapan nina Mikee, Nadia at Sophia, nabunyag na may komunikasyon na si Sophia sa amang si Baron.

Ang totoo, hindi naman ito lihim sa pamilya, maging sa mga kapatid ni Sophia, gayundin sa kanyang nakilalang ama na si Boy Asistio.

Pagtatapat ni Nadia, bata pa ay alam na ni Sophia ang totoo.“She knew inside pero she only confronted me when she was 16. I didn’t find any reason naman to parang idutdut pa ‘yung truth kung nakikita ko naman okay naman kami. She’s in contact with her dad.”

Nang tanungin naman si Sophia kung may balak ba siyang palitan ang kanyang apelyido ngayong hayag na hayag na maging sa publiko ang tunay niyang pagkatao, “When I see comments na parang, ‘Bakit ganito ‘yung apelyido mo?’ ngayon ko lang sasagutin, I’m very proud sa apelyido na meron ako ngayon.

“I take pride and kung hindi ko siya kailangan palitan, hindi ko papalitan ‘yung apelyido ko, hindi talaga,” ani Sophia.

So, ngayon kapag nag-uusap sila ni Baron, malaya na ba niya itong natatawag na Papa o Daddy? “When I talk to him, I just say po, ganu’n lang. I’ve been trying to respect pero there’s still boundaries because I’ve tried na din, parang second chance na lang din ‘to.”

At para sa kanya, maganda na may communiucation sila ni Baron, “Siyempre hindi ko rin ika-cut off ‘yung ganung opportunity, baka may mahanap ako sa sarili ko na mas makabubuti pala sa akin. Baka mas mag-grow ako as a person, if may nakita akong, ‘Uy may similarities pala kami.’”

Ayon naman kay Nadia, “The right time will come naman kasi hindi naman kayang ako lang mag-isa ang gumagawa ng paraan. Hindi rin naman pwedeng siya lang ang gumagawa ng paraan.”

Sa madaling salita, naghihintay din si Sophia ng pagkakataong magsalita o gumawa ng paraan si Baron para lalo silang magkalapit bilang mag-ama.

Samantala, marami na rin ang naghihintay na mapanood si Sophia bilang aktres. At tulad ng kanyang sinabi, nag-aabang din ang mga manonood kung namana rin ni Sophia ang husay ng ama sa pag-arte.

AUTHOR PROFILE