Yasser Larawan mula sa IG/Yasser Marta

‘Sobrang init, abot singit’

May 13, 2024 People's Tonight 149 views

MAGING ang Kapuso actor na si Yasser Marta ay hindi napigilang maghubad dahil sa init ng panahon.

Sa isang Instagram post ng ‘Lovers/Liars’ actor, isang larawan na kanyang ibinahagi ang mas lalong nagpainit sa kanyang social media followers.

Makikita sa larawan ang hotness overload at super manly na katawan ng aktor.

Briefs lamang ang tanging suot ni Yasser na siyang nagpabakat sa alaga nito.

“Sobrang init, abot singit,” hirit niya sa caption ng kanyang post.

Hindi lang si Yasser ang nakaramdam ng init, dahil maging ang netizens pinagpawisan sa inihain niya.

Pinagkaguluhan sa comment section ang sexy photo ng Sparkle artist. Kanya-kanya sila ng banat sa ipinangalandakang karisma ni Yasser.

Maging si Kokoy De Santos ay may hirit din sa kapwa niya aktor.

“Patingin ng abot singit,” saad ni Kokoy.

“Mas lalo pong uminit,” wika naman ni DJ JhaiHo.

Narito pa ang ilang reaksyon ng netizens sa larawan ni Yasser: “Sizzling singit!”, “FAVORITE CAR KO TALAGA TO EH”, “Hot naman ni idol”, “pakandong beh”, at “Hala Zi-noom ko.”

AUTHOR PROFILE