Snatcher TIMBOG–Ito ang kuha ng CCTV sa suspek na snatcher na tumangay ng IPhone promax ng nakilalang si Jasmin. Video grab ni Jon Jon Reyes

Snatcher timbog, kasabwat hina-hunting

July 15, 2023 Jonjon Reyes 317 views

SWAK sa rehas na bakal ang isa sa dalawang snatcher makaraang maaresto sa follow up operation ng mga pulis-Maynila sa panulukan ng F. Florentino St. malapit sa Carola Street, Sampaloc, Manila Huwebes ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Wilfredo Quirimit, 39, ng Batangas Street, Tondo.

Samantala, patuloy namang tinutugis ang kasamahan nitong tricycle driver na mabllis na nakaeskapo.

Nahaharap sa kasong robbery ang natimbog na suspek pati na ang kanyang kasabwat na pinaghahanap pa.

Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Wilson Villaruel, commander ng MPD- Sampaloc Police Station 4, bandang alas-9 ng umaga noong Huwebes nang hablutin ang IPhone 14 Promax 256-GB na nagkakahalaga ng P80,000 na pag-aari ni Jasmin, isang estudyante.

Naglalakad si Jasmin sa Carola Street nang hablutin ito bago umangkas sa naka antabay na tricycle.

AUTHOR PROFILE