Default Thumbnail

SMC pres nanguna sa Gawad Manileno award

June 18, 2024 Edd Reyes 135 views

TUMANGGAP ng parangal sa kani-kanilang larangan, sa pangunguna ni San Miguel Corp. president at CEO Ramon Ang, ang ilang Manileño at mga kompanya sa Gawad Manileño 2024, isa sa mga programa sa pagdiriwang sa Hunyo 24 ng 453rd Araw ng Maynila noong Lunes sa Metropolitan Theater.

Nasungkit ni Ang ang pinakamataas na parangal na Gawad Gat Andres Bonifacio dahil sa kanyang mga kontribusyon hindi lang sa Maynila kundi sa buong bansa.

Kinilala rin ang SMC at si Ang sa masinop na pagbabayad ng buwis at amilyar.

Pinangunahan nina Mayor Honey Lacuna-Pangan at Vice Mayor Yul Servo Nieto ang pagkakaloob ng parangal at pagkilala sa mga natatanging Manileño at kompanyang nakapagbigay ng trabaho at nakapagbayad ng tamang buwis at amilyar.

Kabilang sa mga natatanging Tagapagbayad ng Buwis at Real Property Tax ang Asian Terminals Inc., Manila North Harbour Port, Inc., Megaworld Corp., SM Prime Holdings, Inc., International Container Terminal Services, Inc., Robinsons Land Corp. at Petron Corp.

Ang mga natatangi namang Tagapagbayad ng Buwis Para sa Negosyo kinabibilangan ng International Container Terminal Services, Inc. Mercury Drug Corp., Asian Terminals Inc., Manila North Harbour Port, Inc., Puregold Price Club, Inc., Philippine Chinese Charitable Association, Inc., SM Prime Holdings, Inc., at Golden Arches Development Corp.

Ang Jolly Management Solutions, Inc., Acabar Marketing International, Inc, Fieldmen Janitorial Services Corp., Topserve Service Solutions, Inc., at ang Sanford Marketing Corp. (SM Savemore) ang mga employer na nakapagbigay ng trabaho sa mga Manileño.

Tumanggap naman bilang natatanging Manileño sa larangan ng sosyo-sibikong gawain ang Action on Smoking & Health Philippines, ang BYE Tondo-Building Youth Empowerment Tondo bilang natatanging Manileño sa larangan ng Kapakanan at Pagpapaunlad ng Kabataan, Barangay Chairman Jefferson Lau ng Brgy. 281, Zone 26, District III sa Gawaing Pambarangay, Paul John Dalistan Lee sa larangan ng Sport, Emilio C. Yap III sa Mass Media, Arch. Froilan Robas sa Kultura at Singing, Dr Esperanza C. Cabrera sa larangan ng Mataas na Edukasyon, Reunora V. Laurenciano sa Mababang Edukasyon, Dr. Gina Pardilla sa Pampublikong Kalusugan at P/Lt. Col. Roberto Mupas sa Pagpapatupad ng Kapayapaan at Kaayusan.

Pinarangalan din sina Judge Anne Perpetual Rivera-Sia sa larangan ng Panghukuman (Metropolitan Trial Court) at Hon. Jacqueline Martin-Balictar ng Regional Trial Court, Hon. Lourdes Austria Gatdula sa larangan ng Serbisyo ng Pag-uusig, Maria Rosario Navarro “Charo” Santos-Concio sa Pag-arte sa Pelikula, at Roselita Ilgan ng Manila City Library na tumanggap ng Gawad Rajah Sulayman.

AUTHOR PROFILE