
Slay break
ISANG breathtaking na larawan ang ibinahagi ni Kylie Verzosa na nagpa-init ng social media! Sa kanyang caption na “I said BRB,” tila nagsabi si Kylie na sandali lang siya mawawala—pero ang epekto ng kanyang post ay nagtagal sa isip ng netizens.
Suot ang sexy swimwear at ipinapakita ang kanyang perfect morena glow, nagmistulang obra maestra si Kylie habang tinatamasa ang tanawin ng El Nido.
Sa larawan, makikita ang beauty queen-turned-actress na relaxing effortlessly sa tabi ng dagat. Ang kanyang flawless figure at fiery aura ay tumatak sa bawat scroll ng kanyang followers, na agad nagdulot ng kilig at inggit.
Bumaha ang reaksyon mula sa netizens at fans. “You are the main character,” sabi ng isang user. Isa pang fan ang nagsabi, “You said BRB and we said ILYSM!!”