Crime

Sinundo ni Kamatayan

August 16, 2023 Melnie Ragasa-limena 315 views

PINASOK ng apat na armadong lalaki ang isang bahay sa Quezon City at pinaputukan ng maraming beses ang isang construction worker.

Idineklarang dead on arrival sa Rosario Maclang Bautista General Hospital ang biktimang si Ricky Banez, 50, matapos magtamo ng tama ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District nangyari ang insidente ala una ng madaling araw nitong Miyerkules. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang malaman ang motibo sa krimen pati na ang pagkakilanlan sa mga suspek.