Allan

Sino ba talaga ang sir at mam?

July 24, 2024 Allan L. Encarnacion 412 views

ANG daming problema ng ating bansa, dumagdag pa ang kuwestiyon kung sino ba dopat ang tinutukoy na “sir and mam.”Hind natin alam kung iyong mam ay angkop bang itawag para sa nagpatapyas ng ari or iyong sir naman ay para naman sa nagpalagay ng ari. Magulo di ba?

Ang sinasabing pagpapatayo ng dalawang oras ng customer sa isang service crew ng coffee shop sa Cebu City matapos tawaging sir ang isang transgender ang sentro ngayon ng debate kung sino sa mga ito ang tama at mali.

Naala ko tuloy ang parusang face the wall ng mga guro sa mga estudyante noon kapag makulit sa klase. Kailangang humarap siya sa pader hangga’t hindi natatapos ang klase.

Pero kakaiba ang senaryo sa Cebu City na nagdulot ng malakas na simpatiya sa service crew. Higit pa ito sa pangmamaliit sa isang karaniwang manggagawa. Hindi ito makatarungan at lalong wala wala sa poder ang sino man na parusahan ang isang empleyado, lalo na ng isang customer.

Ang tanong, tama bang tinatawag na sir ang isang transgender? Ang sagot ay palaging nakadepende sa kung sino or ano ang nasa ating harapan. Hindi lawit ang aking tinutukoy. Meaning, kung anong klaseng tao ang nasa iyong harapan.

May mga pagkakataong walang malisya na nagkakamali ng pagtawag sa isang transgender na ang itsura at pigura ay mukha na talagang babae. Madame ang naitataguri sa ganitong pagkakataon.

Hindi mo man ito sinasadya, tinatanggap na rin ito ng tinukoy. Mayroon din namang kahit nagpakapon na ng ari pero sir pa rin ang naitatawag maaring dahil sa physical looks.

Case in point, magagalit ba si Bibi Gandang Hari kapag tinawag ko siyang sir gayong nakilala ko siyang bilang si action star na si Rustom Padilla? Or si Boy Abunda pag tinawag ko ba siyang sir or pare, magagalit siya? Sa tingin ko ay hindi kasi disenteng tao si Boy.

Ang totoo, minsang bagong gupit ako, natawag din akong mam, akala daw ni sales lady ay tomboy ako. Natawa lang ako, hindi ko naman pinarusahan na nakadapa sa escalator ang nagkamali.

Halimbawa naman transgeder nga pero, pasintabi po, hindi naman siya mukhang babae or mas lamang ang masculine figure pero naghihintay siyang matawag na “mam”, paano mo ito tatanggapin? Dapat bang magalit si transgender at kailangang itama ang pagawag sa kanya from sir to mam?

Ilang beses nang nakaakyat ang tao sa buwan, ginagawa na ngang playground ng iba ang paglipad sa labas ng mundo pero hanggang ngayon, problema pa rin natin ang pagtukoy sa mga nagpapalit ng kasarian. Dalawang uri lang naman ng tao ang nakagisnan nating lahat, babae at lalaki. Kahit bakla or tomboy, transgender, transvestite, cross-dresser, transexual at kahit ano pang kahanay ng LGBTQI+++, hindi pa rin mabubura ang katotohanang na babe at lalaki lang tayong lahat.

Hindi ito mahirap maunawaan, hindi ito mahirap intindihin. Ang pagtanggap ng lipunan at ng mundo sa mga taong nasa labas ng babae at lalaki ay hindi nangangahulugang nagbago na ang dalawang uri ng tao. Ang pagiging liberal ng komunidad para tanggapin at kilalanin ang nasa labas ng babae at lalaki ay higit sa lahat, respeto sa pagkatao.

Respeto lang ang nagbubuklod sa ating lahat para maging mapayapa ang mundo subalit hindi ito nangangahulugang may isinilang na bagong uri ng tao. Para rin yang pagpili ng nasyunalidad o citizenship, kung ayaw mo nang maging Pilipino, lilipat ka sa isang teritoryo at susumpa pa sa kanilang bandila. Pero irerespeto ka dapat sa iyong desisyon.

Ganoon din ang pagkatao, kung pinili mo ang kasarian na wala sa boundary ng babae at lalaki, dapat ka ring irespeto pero mali ang imposition o idikta sa kanino man na tawagin kang miss gayong mister ka naman talaga sa iyong tunay na pagkatao or vice versa.

[email protected]