Default Thumbnail

Sino ang mga ilalagay sa sensitibong puwesto?

September 27, 2021 Vic Reyes 345 views

Vic ReyesMAY mga suhestiyon tayong natanggap na dapat daw ay sabihin na rin ng mga presidential candidate kung sinu-sino ang mga napipisil nilang mamumuno sa mga sensitibo at mahahalagang ahensya kung sila ang mananalo sa Mayo 2022.

Mahalaga nga namang malaman ito ng mga botante para alam nila ang aasahan pagkatapos ng eleksyon.

Ipaalam sa taumbayan kung sinu-sino ang mamumuno sa mga opisinang kagaya ng Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue.

Hindi puwedeng may bahid ng korapsyon ang itatalagang hepe ng BoC at BIR.

Pangongolekta ng buwis ang trabaho ng dalawang ahensyang ito ng gobyerno.

Kung isang kawatan ang magiging hepe ng BoC at BIR, malamang sa kangkungan tayo pulutin.

Lalona’t kailangang-kailangan natin ng pera dahil bagsak ang ating ekonomiya gawa ng pandemya.

Makatutulong sa kampanya ng kandidato kung gusto ng taumbayan ang napipisil niyang mamumuno sa dalawang nabanggit na ahensiya.

Sa tingin din ng marami, nararapat isa-publiko ang pangalan ng mga bubuo ng gabinete ng isang presidential candidate.

Ano sa palagay niyo?

***

Sa Biyernes, Oktubre l, hindi lang simula ng walong araw na paghahain ng kandidatura ng mga tatakbo sa May 9 elections.

Simula na rin ng fourth at last quarter ng taon.

Ang ibig sabihin niyan ay mayroon na lang tatlong buwan ang BoC para maabot ang 202l collection target.

Sa tingin naman natin ay hindi lang maabot ng BoC ang assigned tax take ng ahenaiya sa taong ito kahit may pandemya.

Malalampasan pa ang mahigit P600 bilyong target collection.

Kung mamikita natin, mula Enero hanggang Agosto ay nalampasan ng BoC ang kanilang revenue target

Isa pa, taun-taon, tuwing dumarating ang mga ”ber’ month ay dumadagsa ang importasyon.

Hndi lang padala ng mga OFW kundi mga importasyon ng mga negosyante, na kagaya ng mga Christmas items, paputok at iba pang produktong in demand tuwing holiday season sa bansa.

Super busy talaga ang mga taga-BoC kapag papalapit na ang pasko.

***

Sana pag-isipang mabuti ng otoridad ang pagbabalik ng face-to-face o (F2F)classes sa bansa.

Habang nandiyan ang COVID-l9 ay delikado pa ang sitwasyon.

Hindi biro kapag nagkahawahan sa mga eskuwelahan dahil sa pagkalat ng virus.

Kawawa ang mga estudyante, guro at non-teaching personnel.

Ang masaklap pa siyempre, kapag nagkasakit ng pesteng virus ang mga batang mahihirap at kapos sa pera ang mga magulang.

Kapag nahawa rin ang mga magulang, paano na ang buong pamilya?

Iyan ang malaking problema kung ibabalik na ang F2F classes.

Hindi na bale sana kung may mura at affordable na gamot na para sa COVID-l9.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa#(0969) 037 7083/email:[email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE