Default Thumbnail

Sina Nica at Eka ng Bgy. 171, Caloocan

October 23, 2023 Marlon Purification 1110 views

Marlon PurificationKILALA ko ang pamilya Ramos sa Bagumbong, Caloocan City.

Lahi sila ng mga ‘educators’ at ‘public service.’

Karamihan sa kanilang angkan ay mga nag-aral nang husto, nagturo at may nagtayo pa ng pribadong eskuwelahan.

Ang iba naman ay nagtatrabaho ng sinsero at marangal sa pamahalaang lungsod ng Caloocan.

Ibig sabihin, nasa dugo na nila ang pagbibigay-tulong sa ating mga kababayan. Mga ibinibigay na tulong para sa kaalaman, katalinuhan at kapaki-pakinabang.

Iyong nasa serbisyo publiko naman ay hindi matawaran ang ginagawang pagsisilbi sa bayan.

Isa tayo sa natuwa na sa kanilang ikatlong henerasyon ay may nagpatuloy sa serbisyo publiko.

Dalawa są mga ito ay sina Nica Ramos na tumatakbo ngayon bilang Sangguniang Kabatan (SK) chairman at si Eka Ramos Vivar bilang SK kagawad ng Bgy. 171, Bagombong.

Kapwa ‘beauty and brain’ ang magpinsan.

Nakatutuwang pagmasdan na sa kabila ng kanilang tinatamasang kaunting estado sa buhay ay pareho silang nakatapak sa lupa, handang tumulong kahit alam na nilang sila’y ‘crush ng bayan.’

Si SK Nica ay kasalukuyang tresurera ng SK sa Bagumbong.

Nagtapos siya ng Bachelor of Science in Tourism Management sa University of Caloocan City. Naging ABM sa Young Achievers’ School of Caloocan, miyembro ng Youth for Christ ng Couples for Christ, Bagumbong Youth for Change at Talent Associate sa isang BPO company.

Si Eka naman na kasalukuyang SK chairman ay tatakbo na bilang kagawad ng kanilang barangay.

Ito’y para ipagpatuloy ang magandang nasimulan ng kanyang administrasyon at dahil naman sa mas malaking tungkulin bilang kagawad ng ‘mother barangay.

Aalalayan na rin ni Eka ang napipintong pag-upo ng pinsang si Nica.

Nagtapos si Eka bilang iskolar sa Unibersidad ng Caloocan sa kursong Bachelor of Science in Information Technology, BVPH2 Youth President mula taong 2016-2017, naging SK Kagawad mula taong 2018-June 2022 at naging SK chairperson noong July 2022 hanggang sa kasalukuyan.

Napagsasabay niya ang pagiging SK chairman habang nagtatrabaho rin bilang kawani sa isang pribadong kompanya mula taong 2018 hanggang sa ngayon.

Maganda ang platapormang may aksiyon at malasakit ng dalawa, kasama ang line-up ng kanilang partido.

Sa kanilang flyers, kailangang magpatuloy ang reporma sa pamamahala ng SK sa kanilang lugar — hindi dahil sa nabigo itong gawin ni Eka, kundi kailangan maging bukas ang lahat sa anumang uri ng pagbabago na naayon sa kasalukuyang sitwasyon at inobasyon.

Importante ang maagap na pagtugon at pag-aksiyon sa mga hinaing ng mamamayan sa Bgy. 171. Hindi ito limitado sa mga kabataan kundi pati na rin sa mga nakatatanda sa kanila.

Tama ang plano nilang pagtatayo ng silid-aklatan sa kanilang barangay at napapanahon din ang pagbibigay ng libreng ‘soft skills training courses’ sa mga kabarangay sa Bagumbong.

Dapat din itaguyod ang maayos na kabuhayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaalaman sa lahat, partikular na sa mga PWD, Solo Parent at Senior Citizens.

Noong panahon ng pandemya ay nasaksihan mismo ng inyong lingkod kung paano lumabas ang mga kabataang ito upang mamigay ng gamot, face shields, facemask, bitamina at kung anu-ano pang tulong para sa mga kabarangay sa Bagumbong.

Kaya nga isa rin ang programa sa kalusugan sa prayoridad ng grupo nina Nica at Eka magpahanggang ngayon.

Ipagpapatuloy ang pagbibigay ng libreng gamot, bitamina at higit na pagpapaganda pa sa pasilidad na pangkalusugan.

Magiging vigilante sila sa paglaban sa masasamang bisyo at hindi mananawang maglunsad ng mga programang may kinalaman sa sports o pangkalusugan.

Sabi ni Nica, importante ang partisipasyon ng lahat upang makamit ang mumunting planong ito na tiyak na magiging kapaki-pakinabang sa kanilang barangay.

Higit pa nilang pag-iibayuhin ang pagbubuklod, paghihikayat at paghimok sa mga kabarangay na makiisa sa magagandang programa ng pamahalaan.

Sa ganang akin, dakila ang mga ganitong uri ng adhkain.

Kahanga-hanga sila NIca at Eka dahil pinatutunayan nila na ang kabataan ngayon ay bukas, progresibo, agresibo at tunay na may malasakit sa kapwa.

Nasisiguro kong mapabubuti pa nang husto ang katayuan ng mga kabataan sa Bagumbong lalo’t kung siłą pa rin ang iboto at pagkatiwalaan sa darating na SK at barangay elections.

Tiyak ko namang hindi malayong mangyari ito dahil mantra ng kanilang programa ang katagang Aksiyon at Malasakit!

Goodluck kay SK Chairperson Nica at Barangay Kagawad Eka and alam kong proud ang mga magulang n’yo sa inyo!

Godbless, mga Ate!