Co

SIKYU HINDI NASILAW SA P1.9M

July 25, 2023 Jun I. Legaspi 348 views

Suitcase na may lamang mga alahas, pera isinoli sa may-ari

ISANG naiwang suitcase na naglalaman ng mga cash at mga alahas na nagkakahala ng P1.9 million ang nakuha ng isang airport police sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 habang nagsasagawa ng kanyang trabaho.

Ayon sa report noong Biyernes, July 21,2022, natagpuan ni security guard Mahmud Mastul ang suitcase sa arrival greeters. Mabilis itong humingi ng assistance sa MIAA Police at PNP Aviation Security Group bilang protocol at standard operating procedure sa mga nasabing insidente.

Mabilis ang responde ng MIAA Airport Police Department at PNP ASG at tiniyak na walang dalang panganib ang suitcase.

Agad isinuko ang suitcase sa pag-iingat ng MIAA Lost and Found Section para sa inventory at tamang documentation kaharap ang Ilang testigo.

Matapos ang tamang pagbibilang ng cash at mga alahas agad na kinontak ang may-ari na magngangalang Miguel Carpio.

Mabilis naman itong nagbalik sa airport at kinuha ang kanyang suitcase, matapos mapatunayan kanya talaga ang suitcase.

2016 ng magsimulang magtrabaho si Mastul sa NAIA. Sa haba ng kanyang pagtratrabaho ngayon lang na test ang kanyang katapatan sa trabaho matapos makakuha ng suitcase na naglalaman ng cash at mga alahas.

“Kung hindi naman sa iyo, malaki man o maliit na bagay, kailangan mo i-surrender kasi hindi naman sa iyo ‘yung gamit na ‘yon. Hindi mo dapat pag-interesan ang hindi sa iyo. Kailangan isasauli sa tunay na may-ari ang gamit na ‘yon.” saad ni Mastul.

“Ang mahalaga lang sakin ay maisauli ko ang kumpletong gamit na walang kulang. Kumpletong-kumpleto lahat ng gamit. Yun lang po,” saad ni Mastul.

Kinilala naman ni MIAA General Manager OIC Byan Co ang ipinakitang katapayan ni Mastul at hindi nasilaw sa paki ng perang nakuha nito.

Sabi ni Co si Mastul ay isang mabuting halimbawa ng katapatan sa mga kapwa nya empleyado sa MIAA.

AUTHOR PROFILE