Guess

Sikat na aktres magbabalik showbiz

August 30, 2024 Jun Nardo 226 views

MAGBABALIK daw sa showbiz ang sikat na aktres matapos niyang iwanan ito nang mag-asawa.

Siyempre, nagulat ang mga nakakakilala sa aktres dahil nasa peak siya ng kanyang career nang mas piliing lumagay sa tahimik.

Eh, sumakto kay aktres ang sinasabing expectation versus reality, huh! Inakala niya na gaganda lalo ang kanyang buhay kapag napangasawa ang non-showbiz hubby, huh!

Marami nang alingasngas tungkol sa dyowa ng aktres lalo na sa totoong estado nito sa buhay. Eh, naging maganda ang pagsisimula nila pero habang tumatagal, nararamdaman na ng aktres ang reyalidad sa napangasawa.

AUTHOR PROFILE