Default Thumbnail

Signal No. 2 sa parte ng Luzon dahil ke Maring

October 11, 2021 Jun I. Legaspi 336 views

TULUYAN ng naging severe tropical storm si “Maring” habang ito ay kumikilos pakanluran papuntang Babuyan islands, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa PAGASA, 11 a.m. ng Linggo, si Maring ay namataan sa layong 240 kilometers ng silangan ng Aparri, Cagayan o nasa layong 265 kilometro ng silangan timog silangan ng Calayan, Cagayan taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 95 kilometro malapit sa gitna at maypagbugso ng hangin na umaabot sa 115 kilometro bawat oras.

Dulot nito, nakataas ang signal number 2 ng bagyo sa Luzon sa Batanes, Cagayan kasama na ang Babuyan Islands, northern portion ng Isabela (Palanan, Divilacan, Maconacon, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, San Pablo, Santa Maria, Santo Tomas, Delfin Albano, Quirino, Gamu, Roxas, Mallig, Quezon), Apayao, Kalinga, Mountain Province, Abra, Ilocos Norte, at Ilocos Sur.

Signal number 1 naman sa nalalabing bahagi ng Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Ifugao, Benguet, La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Pampanga, Bulacan, northern portion ng Bataan (Samal, Morong, Dinalupihan, Abucay, Orani, Hermosa),northern portion of Quezon (General Nakar, Infanta) including Polillo Islands, at Calaguas Islands.

Naaapektuhan si bagyong Maring ng hanging amihan kaya’t maulan sa Visayas, Zamboanga Peninsula, Palawan, Occidental Mindoro, at Oriental Mindoro sa susunod na 24 oras.

Patuloy ang ginagawang monitoring ng agency upang makapagbigay agad ng impormasyon sa publiko lalo sa mga lugar na apektado ng bagyo.

AUTHOR PROFILE