
Sigaw ng Nasugbu: Meralco in, BATELEC I out
MULING iginiit ng Nasugbu, Batangas ang hiling nito na Manila Electric Company (MERALCO) na ang maging power provider nila.
Napansin ni Nasugbu Municipal Administrator Emerlito Bordeos, kinatawan ni Nasugbu Mayor Tony Barcelon, na gusto ng Meralco na palawakin ang mga serbisyo nito sa bayan kapalit ng kasalukuyang provider na BATELEC I.
“Maraming pagkakataon na walang abiso. Basta mawawala na lang. Walang pinipiling oras at panahon. Marami ding naka-schedule na power interruptions at mahaba ito.
Minsan may 6 a.m. to 6 p.m. na scheduled brownout,” sabi ni Bordeo. Idinagdag pa ng municipal administrator na nagpahayag ng kanilang pagkadismaya tungkol sa BATELEC I ang mga negosyo ng turismo sa Nasugbu at ang mga nagtitinda sa palengke.
Nauna nang nagpahayag ng pagkadismaya si Nasugbu Mayor Tony Barcelon sa BATELEC I. “Sa kabila ng pagseserbisyo sa Nasugbu sa loob ng halos 50 taon, hindi man lang natupad ng BATELEC I ang mga pangunahing mandato ng prangkisa nito sa ganap na elektripikasyon ng mga sambahayan, pagbibigay ng maaasahang serbisyo ng kuryente, at pag-sourcing sa pinakamababang halaga,” sabi ng alkalde.
Umaasa rin ang munisipyo ng Nasugbu na tumulong ang Meralco sa pagresolba ng problema sa kuryente sa lugar.
“Sa nakikita ko, dalawang bagay ang maitutulong ng Meralco. Una muna ang iyong pagiging maaasahan ng serbisyo. Pangalawa, mas mababang presyo ng kuryente,” pagtatapos ni Bordeos.