
Showbiz at politics masama bang maging family affair?


IT’S public knowledge na may malaking perang involved sa politics at showbusiness.
Ito ang dahilan kung bakit marami ang gustong pumasok sa dalawang mundo na ito. At ‘pag napasok na nila, palipat-lipat na lang sila. Maraming artista ang nagiging pulitiko. At ngayong darating na eleksyon, nakisawsaw naman ang maraming influencers o online celebrities. But that is another story. Sa artista-pulitiko muna tayo mag-focus.
Isa sa mga artista na matagumpay na nakatawid sa pulitika ay ang Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto. Ate Vi is now busy promoting her movie ‘Uninvited’, an official entry to the Metro Manila Film Festival 2024. And she will get even busier next year following her bid for gubernatorial seat in Batangas.
Maganda ang record ni Ate Vi bilang public servant. Sa katunayan, marami ang nag-alok sa kanya na tumakbo bilang Vice President noong 2022. Pero ngayon, binabatikos siya sa diumano’y pagiging trapo. Kaugnay ito sa pagsabak sa pulitika ng kanyang dalawang anak na sina Luis Manzano (bilang Batangas Vice Governor) and Ryan Recto (Batangas 6th district representative) sa darating na eleksyon. Sana raw pinatakbo na rin ang asawa ni Luis na si Jessy Mendiola para kumpleto na ng political dynasty ng pamilya ni Ate Vi sa Batangas.
Such is also the case with Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. and family. Sen. Bong’s wife Lani Mercado is currently the representative of Cavite’s second district in Congress.
Ang kanilang mga anak ay pawang nasa pulitika rin, even Bong’s sisters, Rowena and Andrea, and brother Strike.
Kung ang buong pamilya nina Ate Vi at Sen. Bong ay sa pulitika, buong pamilya naman nina Aga Muhlach at Carmina Villarroel, respectively, ang nasa showbiz. Parehong aktibo na ngayon sa showbiz ang twins nina Aga at Charlene Gonzales na sina Atasha at Andres. What is impressive about them is they both finished college before entering showbiz. Atasha earned her Business degree and graduated with honors from Nottingham Trent University in the United Kingdom, while Andres took up Arts in Spain.
Samantala, itong twins nina Carmina at Zoren Legazpi na sina Mavy at Cassy ay matagal na rin sa showbiz. Compared to the Muhlach twins, the Legaspi twins have prioritized showbiz over studies. Admit it or not, para sa amin ay very ordinary naman ang looks nina Mavy at Cassy; hindi rin kagalingan pagdating sa aktingan.
Kaya ‘di rin naman sila sumisikat nang husto. Sana bumalik sila sa kanilang pag-aaral para may fallback sila gaya nina Atasha at Andres.
Wala namang isyu kung tutuusin ang mga artistang pumapasok sa pulitika lalo na’t may kakayahan naman talaga. Pero kapag public trust na ang pinag-uusapan, hindi ba dapat nag-iisip din ang publiko pag may time? Just asking…
Disclaimer:
Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolumn na ito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon. Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0966-883-2430 or email us at [email protected]