
Sheena Halili malapit na matapos ang dream house
PROUD na ibinahagi ng aktres na si Sheena Halili ang kanyang matatapos pa lang na dream house.
‘Hello! Konting life update lang po! Nasa exciting part napo tayo ng new home namin! 🤭 Sabi nila pag nag start na ang painting malapit na matapos na ang bahay!’ caption nito sa kanyang post sa Instagram, Martes, Nobyembre 21, 2023.
“Soon, update ko pa kayo sa mga developments ng aming bagong bahay!” dagdag pa niya kalakip ang larawang makikitang abala siya sa pagpili ng kanyang natitipuhang kulay ng kanyang bahay.
Proud naman na nagkomento ang kanyang mga kaibigan sa showbiz. “Yey congrats Ga,” komento naman ng aktres na si Lovely Abella.