Myrtle Larawan: Myrtle Sarrosa/IG

She aced

April 5, 2025 People's Tonight 113 views

NAGLIYAB ang internet matapos mag-post ang cosplayer-actress na si Myrtle Sarrosa ng isang naglalagablab na larawan kung saan suot niya ang kanyang pirate-inspired One Piece fem Ace costume!

Sa kanyang hubog na hubog na katawan, palaban na titig, at leather-hot ensemble, tila siya ang tunay na reyna ng dagat — at ng mga pantasya ng netizens!

Hindi biro ang confidence at fierceness na binandera ni Myrtle sa kanyang cosplay transformation bilang female version ni Ace. Mula ulo hanggang bewang, puro delikadong alindog ang dala niya — mas nakakapaso pa sa apoy ng Devil Fruit!

Umulan ng reaksyon sa comment section. “Super hot mo!” sigaw ng isang fan, habang ang isa naman ay napa-“She looks absolutely gorgeous… one of a kind ace!” Hindi na ito cosplay lang, ito na ang fantasy come true para sa libo-libong tagahanga.

AUTHOR PROFILE