Sharon

Sharon tinawag na ‘sister-out-law’ ang kapatid ni Gabby

October 29, 2024 Vinia Vivar 258 views

Masayang-masaya si Sharon Cuneta na makitang muli ang younger sister ni Gabby Concepcion na si Rina na naka-base sa California.

Nanood si Rina ng “Dear Heart” USA & Canada tour sa second show nito sa Saban Theatre sa California at dito nga sila nagkita ni Sharon.

Ibinahagi ng Megastar ang larawan nila ni Rina at ng pamilya nito at ipinahayag kung gaano siya kasaya na makita ulit ang kapatid ni Gabby pagkatapos ng mahabang panahon.

Sa caption ay nagbiro pa si Sharon at tinawag na “sister-out-law” si Rina instead of “sister-in-law” since matagal na silang annulled ni Gabby.

Gayunpaman, sey ni Sharon, love pa rin niya ang dating hipag at nagpasalamat siya rito for watching the concert.

“Oh my goodness — I was so happy to see Gabby’s sister, Rina again after so many years! Now my “sister-out-law,” I still love her and have missed her! Thank you Rina and family for coming to watch us!” ang pahayag ni Sharon.

Natuwa naman ang Sharon-Gabby fans na in good terms pa rin si Sharon sa pamilya ng kanyang ex-husband.

Samantala, nakakatuwa rin na kahit nasa US sina Gabby at Sharon ay nagawa pa nilang magpasalamat sa PMPC (Philippine Movie Press Club) sa pagkakapanalo ng “Dear Heart” bilang Best Concert sa katatapos lamang na 16th PMPC Star Awards for Music.

Sa pamamagitan ng isang video ay magkasamang nagpasalamat sina Sharon at Gabby sa PMPC.

“Thank you PMPC for awarding Dear Heart the Best Concert for 2024. This award is very timely as we are currently on our North America tour. This is for you all our ShaGab fans,” caption ni Sharon.

DAMBUHALANG PAGBABALIK

Confirmed na nga ang pagbabalik ng dambuhalang primetime action-adventure series na “Lolong” sa pangunguna ng Primetime Action Hero na si Ruru Madrid dahil ipinakilala na ang mga kasama sa season 2 ng Philippines’ Most Watched TV show for 2022.

Makakasamang muli ni Ruru sa “Lolong: Bayani ng Bayan” sina Shaira Diaz, Rochelle Pangilinan, Paul Salas, Mikoy Morales, Alma Concepcion, Maui Taylor at Jean Garcia.

Kaabang-abang din ang naglalakihang pangalan, sa pangunguna ni John Arcilla, na nagbabalik Kapuso. Mapapanood din sa “Lolong” sina Rocco Nacino, Martin del Rosario, Klea Pineda at Tetchie Agbayani.

Bahagi rin ng powerhouse cast sina Victor Neri, Nikki Valdez, Bernadette Allyson, Boom Labrusca, Jan Marini, Gerard Pizarras, Archi Adamos, Nicco Manalo, Nikko Natividad, John Clifford, Waynona Collings, Shamaine Buencamino, Rubi Rubi, Inah Evans, Barbiengot Forteza, Joe Vargas, Karenina Haniel at Leo Martinez.

Ipakikilala rin ang child stars na sina Ryrie Sophia at Drey Lampago. Sina King Mark Baco at Rommel Penesa naman ang magiging direktor nito.

Matapos nga ang storycon ng “Lolong” season 2 noong Biyernes, diretso ang ilang cast nito, sa pangunguna nina Ruru, Rocco at Paul, sa GMA Network para makiisa sa Operation Bayanihan: Bagyong Kristine Telethon.

Sa “Lolong: Bayani ng Bayan,” aabangan ng mga manonood ang paglalakbay ni Lolong sa pagharap sa mga bagong hamon matapos niyang matagumpay na mapag-isa ang mga taga Tumahan at ang mga Atubaw.

Abangan ang dambuhalang comeback ng “Lolong” sa 2025.

AUTHOR PROFILE