Sharon

Sharon nagdududuwal, inaatake ng hilo ’pag nakatayo

April 9, 2025 Vinia Vivar 135 views

Katakot-takot ang paghingi ng dispensa ni Sharon Cuneta sa mga Bulakenyo dahil hindi siya nakasipot sa campaign rally ng kanyang mister na si Atty. Francis “Kiko” Pangilinan last April 8.

Ang dahilan, biglang nagkasakit si Mega at ikuwento niya ang ordeal na dinanas na aniya ay ngayon lang nangyari sa tanang buhay niya.

Sa mahabang post ni Shawie sa kanyang social media accounts (Facebook and Instagram), sinimulan niya ang kwento sa birthday surprise niya sa kanyang panganay na anak na si KC Concepion last April 7.

“I am so sorry po sa lahat ng dumalo sa rally ni Kiko sa Bulacan kahapon dahil hindi po ako nakapunta when talaga pong reading-ready na po sana kami.

“Ang totoo po, nagkasakit po ako ng di ko pa po dinanas sa buong buhay ko. April 7 po sosorpresahin ko si KC sa paborito naming resort para sa birthday niya,” bungad ni Mega.

Patuloy niya, “Bago po ako umalis, di ko po alam bakit bigla pong humilab ng grabe ang sikmura ko at duwal po ako ng duwal. Kahit po ganon lumipad pa rin ako para makasama ang anak ko ng isang gabi man lang dahil nakaschedule nga po kami sa Bulacan the next day.”

Hanggang sa birthday ni KC ay nagdududuwal pa rin siya at hindi na siya nakasama sa birthday dinner.

“Pagdating ko po kay KC masaya kami tapos nagulat ako duwal na naman po. Kaya di na po ako nakakain sa birthday dinner nya kundi nakahiga na lang po ako sa room naming dalawa. Tuloy pa rin po ang duwal,” tsika niya.

The following day ay ganu’n pa rin daw ang kanyang pakiramdam.

“Next day lipad kami pauwi ng umaga. Plane pa lang po heto na naman. Paguwing paguwi ko derecho na naman sa banyo,” aniya.

Kaya naman nagpa-test na siya ng kanyang dugo at good thing, normal naman daw lahat.

“Nagpareserve na kami ng room sa St. Luke’s pero nagpakuha na po ako ng dugo sa bahay at hinintay ko ang results. Nakapagtataka naman po at salamat sa Diyos normal lahat,” aniya.

“Pero nilunod na po ako ng pocari sweat at Erceflora. Di pa po ako bumabangon ng matagal since yesterday na pinahiga at pinarest na po ako. Di na po ako pinapunta sa hospital para mag-suero dahil nga po pinaiinom na ako. Di pa po ako nagduduwal mula noong humiga ako kahapon.

“Pero natatakot po ako tumayo ng matagal dahil dun po ako biglang inaatake ng hilo. Lugaw at saging lang po ang kinakain ko mula kahapon at ngayong umaga,” sey pa niya.

Sinabihan naman ni Shawie ang fans na huwag mag-alala dahil dehydrated at stressed lang daw siya.

“Please pray for me. But I don’t want you to worry dahil mukhang dehydrated lang po ako at sobra po akong stressed this whole past week kaya nagkaganito,” aniya.

“Ineexplain ko lang po dahil hiyang-hiya po ako sa inyong nagpuntang Bulacan kahapon. Siempre nag-alala si Kiko pag-uwi ko at nalaman niya. Sabi nya mas importante naman po ang health ko.

Pero pasensiya na po talaga. Hindi na po sana ako nagkwento at nagpaliwanag kundi po ako sorring-sorry. Maraming salamat po. Love you all,” pagtatapos ni Mega.

Sa isa pang hiwalay na post ay nag-sorry rin si Sharon sa anak na si KC at binati ito sa kaarawan nito. Binanggit din niyang napakasaya niya na nakatabi niyang muli sa pagtulog ang kanyang eldest daughter.

“Happy milestone of a birthday again to my baby #1, my eldest @kristinaconcepcion ! Kace, Tina, Kitina, Kachuchay, Chuchay, Cucay, Katutay, Tutay, Tuttut, Tutti, Toot.

“I am so happy that I made you happier on your special day. I am sorry again all I could do was lay on your bed and banyo but sleeping beside you again after forever was heaven to Mama!” bahagi ng mensahe ni Sharon sa birthday girl.

Nagpasalamat din siya sa pag-aalaga ng kanyang anak sa kanya.

“Thank you for taking care of me. I love you very much. May God give you all the desires of your heart this year!” pagtatapos ng birthday message ni Mega for KC.

Nauna rito ay nag-post din si KC ng mga larawan nila ng kanyang mom during her birthday celebration.

“Birthday moments,” ang simpleng caption ni KC.

AUTHOR PROFILE