
Sharon, naantig ang puso sa senior citizen ShaGab fan
NAANTIG ang puso ni Sharon Cuneta nang maipadala sa kanya ang picture ng isang 97-year-old lady na may hawak na tarpaulin ng Dear Heart concert poster dahil sa mensahe nitong nakasulat. Inilabas ito ni Shawie sa kanyang Instagram.
Bahagi ng mensahe ni Nanay Luz Poblete, “Despite of my Dementia, I got the chance to see you both again! Maraming salamat sa inyo, Dear Heart Love, Nanay Luz Poblete.”
Tumugon si Sharon kay Nanay Luz, “Nanay Luz Poblete… How I wish I have known about you earlier last night…
“I would have gone to you and given you lots hugs and kisses… I love you Nanay Luz! Thank you and your family coming po.”
Congratulations kina Sharon at Gabby at sa Dear Heart team sa matagumpay na concert.
Up next ng Dear Heart ay ang VIP night nila sa Okada Hotel kagabi at isang concert sa isang hotel sa Cebu City.
DREAM COLLAB
SINA Gary Valenciano at Sarah Geronimo ang pinapangarap ng record producer na si Rox Santos na maka-collab niya.
Eh, sa loob ng 15 years sa music ni Santos, nagawan na niya ng hit songs sina Vice Ganda, Maymay Entrata at Belle Mariano.
Bilang pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng buhay niya sa music, may nakahandang concert si Rox sa Music Museum sa November 10.
Special guests sa concert niya si Vice at waiting pa siya sa mga sinulatan niyang personalidad na naging parte ng buhay niya.
Bukod sa mga artist, may iba pang sorpresang handog si Rox sa manonood.