Sharon

Sharon, ikinalungkot ang ‘di pagdalo sa preem ng pelikula ni KC

November 28, 2023 Vinia Vivar 364 views

Hindi na nakadalo si Sharon Cuneta sa premiere night ng pelikula ni KC Concepion na Asian Persuasion na ginanap last Monday night.

May importante rin kasing kasabay na event si Sharon at ito ay ang Philippine Legacy Gala 2023 kung saan ay pinarangalan siya ng Laurel Award in Music.

Kaya naman sa Instagram na lang niya binati ang panganay na anak at sinabing sad siya na hindi na siya nakapunta sa preem.

“Happy to have received an award tonight but sad I couldn’t make habol to your premiere! Congrats, baby. Love you❤️ Repost from @kristinaconcepcion,” sey ni Shawie.

Wala man si Shawie nang gabing iyon ay dumating naman ang beloved father ni KC na si Gabby Concepcion.

Nag-post ang aktor ng kanyang pagbati at proud na proud siya sa kanyang anak.

“Congratulations to my daughter, KC, for landing a role in this movie! You make me proud! You can be anyone you want to! You make us all proud,” ang mensahe ni Gabby kay KC.

Nag-post din ang aktor ng mga larawan nila ni KC from the event at ng mga baby pictures ng anak na kinagiliwan naman ng netizens.

“Aww you are a indeed the sweetest papa @concepciongabby to ate @kristinaconcepcion ❤️ love the old pics of both of you 😍 especially the last photo with mama @reallysharoncuneta yiehh this reminds me that you were once a happy family,” komento ng isang netizen.

AUTHOR PROFILE