Sharon Larawan: Sharon Cuneta/IG

Sharon Cuneta sa mga umaaway sa mga anak: ‘Please, tama na’

November 7, 2023 People's Tonight 342 views

THEY don’t deserve any negativity,” ‘yan ang talak ni Sharon Cuneta matapos hindi makapag-pigil sa mga taong nangbabash sa kanyang mga anak.

Sa kanyang Instagram post, Nobyembre 7, sinabi niyang nahihiya siya para sa mga anak niya dahil nadadamay umano ito sa mga isyu na pinuputak ng trolls sa social media.

Aniya, “Pero ako ang nahihiya sa mga anak ko kasi nadadamay sila just because I am their mommy…it hurts me. And pls i am not a ‘mamananggal!’ Please, kindly stop making my kids sabong or pinagaaway di naman sila mga manok.”

Dagdag pa ni Megastar, “From now on, to avoid risking all four of my children’s feelings being targeted by trolls, even on their birthdays I will give them all my loving messages not on social media na but in personal notes na lang.”

Sey pa ni Sharon na sana ay itigil na nila ang kanilang panuknukso sa kanyang mga anak dahil masakit ito para sa kanya.

“To those who find pleasure in hurting the feelings of my family members, please, tama na. Nananahimik kaming lahat and they don’t deserve any negativity,” saad pa ng singer-actress.

AUTHOR PROFILE