Sharon

Sharon bida sa ‘birthday moments’ ni KC

April 8, 2025 Vinia Vivar 138 views

Super-sweet na nga ulit ang mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion matapos silang magkaroon ng matagal na tampuhan at mag-reconcile kamakailan.

Sa pagdiriwang ng kaarawan ni KC last April 7 ay magkasama sila ng kanyang mother dear base na rin sa kanyang latest Instagram post.

Nag-upload si KC ng mga larawan ng kanyang birthday celebration na tila ginanap sa isang beach resort dahil may view ito ng dagat.

Makikita rito ang larawan nina KC at Sharon na masayang-masayang magkatabi.

Obviously, mag-isang dumalo si Mega sa birthday celebration ng kanyang panganay na anak o kung hindi man ay walang ibang nakita sa pictures na naipost sa socmed.

Wala ngang ipinost na ibang tao si KC na dumalo ng kanyang birthday kundi ang kanyang momshie lang.

Ang simpleng caption ng dalaga, “Birthday moments!”

Siyempre pa, masayang-masaya ang kanilang fans sa nakitang pagbabalik ng closeness ng mag-ina na matagal na nilang hinihintay.

BABY BOY NINA JC AT RIKKAH ISINILANG NA

Isinilang na ang first baby boy ni JC de Vera at ng misis niyang si Rikkah Cruz.

Ibinahagi ng aktor ang napakagandang balitang ito sa kanyang social media account kahapon, Tuesday.

Makikita sa mga larawan na karga-karga ni JC ang kasisilang lang na bunsong anak na pinangalanan nilang Vittore.

Caption ni JC, “This is what I was made for. This is why I breathe. This is everything to me.”

Dumagsa naman ang pagbati ng netizens at kapwa-celebrities sa mag-asawa tulad nina Jason Abalos, Vhong Navarro, Kim Rodriguez, Ogie Alcasid, Dominic Roque, John Prats at marami pang iba.

Si Vittore ang 3rd baby ng mag-asawa. Ang dalawa pa nilang naunang anak ay sina Athena at Laura.

P2.25M FIRST DAY GROSS

RayverUmabot ng P2.25M ang kinita sa first day ng pelikulang “Sinagtala” na pinabibidahan ng Kapuso stars na sina Rhian Ramos, Glaiza de Castro, Matt Lozano at Rayver Cruz, kasama si Arci Muñoz.

Ang pelikula ay hindi lamang tungkol sa musika kundi pati na rin sa pagsasama-sama ng isang banda kung saan ang mga karakter ay may iba’t ibang laban sa buhay.

Nais nitong ipamalas ang kakaibang inspirasyon ngayong nalalapit na Mahal na Araw.

Kasalukuyan pa ring palabas sa mga sinehan ang “Sinagtala” sa direksyon ni Mike Sandejas.

AUTHOR PROFILE