
Sex life ni Ogie, ‘very monogamous’
Ratsada si Ogie Alcasid ngayong mga panahong ito. Kararating lang niya last Monday from the Kilabotitos US & Canada concert tour at three weeks din siyang nawala. Ngayon naman ay naghahanda siya para sa kanyang Ogieoke The Concert na gaganapin sa Sept. 29 at the Newport Performing Arts Theater.
Actually, hindi pa tapos ang Kilabotitos tour dahil may natitira pang concert sa Hawaii sa Sept. 22 at umuwi lang si Ogie sa ‘Pinas para mag-promote ng Ogieoke concert.
Sa Friday, aalis ulit siya papuntang Hong Kong kasama ang kanyang pamilya for a short vacation and celebration na rin ng kanyang birthday last Aug. 27 dahil nasa US na siya nang time na ‘yun.
Four days sila sa HK at pagkatapos ay diretso na siya sa Honolulu, Hawaii.
Sa gitna ng pagka-busy ng singer-songwriter ay naisingit pa niya na i-meet ang ilang entertainment press last Wednesday night.
Ang saya ng kwentuhan at napunta pa nga ang usapan sa sex life.
May nagtanong kasi kung kumusta ang kanyang sex life.
“It’s very monogamous, meaning, isa lang. But it’s very good,” diretsong sagot ni Ogie.
Well, alam naman ng lahat na ang sinasabi niya ay ang wifey niyang si Regine Velasquez.
Natanong ulit siya kung gaano kadalas ang sex at ang bongga ng sagot ni Ogie: “Alam mo ang sabi sa amin ng pastor namin, ‘eto totoo ‘to, ha? Sa mag-asawa, kailangan, at least, four times a week.”
Pero hirit niya, “Mahirap ‘yon.”
Dagdag niya, “Pero I guess, ini-emphasize lang siguro ng pastor namin na kailangan siya (sex), kailangan siya sa pag-aasawa.”
Kahit mahirap, nagagawa ba naman nila ang four times a week?
“Feeling ko, hindi. Kasi, alam mo ba, alas-nueve, tulog na ako?” ani Ogie.
Si Regine daw, late matulog kaya medyo saliwa ang schedule nila.
Samantala, sa Ogieoke The Concert ay tiyak na mag-i-enjoy ang mga manonood dahil parang videoke ang concept nito complete with video monitor and lyrics with score pa.
Pwede ring makisabay ang audience na para ka talagang nasa videoke bar. Si Ogie mismo ang nag-conceptualize nito at siya rin ang nakaisip ng title.
Para sa mga gustong bumili ng tickets, call Jhayr dela Cruz at 0917-8189847 or Raf Sangco at 0917-8079387.
There will be a meet and greet after the show for Platinum (P7,800), SVIP (P6,500) and VIP (P5,500) ticketholders.
The concert is directed by Paolo Bustamante.