Seth

Seth, ipinagtanggol si Francine

December 23, 2023 Vinia Vivar 191 views

Nanawagan si Seth Fedelin sa mga basher ni Francine Diaz na huwag na itong idamay pa sa isyu at siya na lang ang tirahin.

Lately kasi ay naba-bash na naman si Francine dahil ibinabalik ng netizens ang lumang issue nina Seth, Francine at Andrea Brillantes.

Kaya naman to the rescue ang aktor sa ka-loveteam.

“Malaking PAKIUSAP po sainyo wag nyo na po idamay si chin unang una WALA syang kinalaman sa ibinabato nyo po sa kanya,” ang pakiusap ng aktor sa kanyang X (dating Twitter) account.

Pagtatanggol pa ni Seth kay Francine, “sya po ang NADAMAY at kung anong samahan na meron kami ni chin at pamilya nya eh dahil sa pinagtibay kami ng mga kaganapan.”

Aniya pa, “ako nalang wag si chin at pamilya nya.”

Bago ito ay hindi na rin nakatiis ang ate ni Francine na si Chantal at sumagot na rin para ipagtanggol ang kapatid at pamilya.

“This issue is so 2021 pa. If defending my sister means being called squammy and whatever then so be it. Call me names, I don’t care. I’m no longer staying silent,” pahayag ng ate ni Francine.

“Walang inagaw at walang inahas ang kapatid ko,” paglilinaw pa niya.

“Yes, my sister is not perfect, she’s flawed but she’s not even half of the person you claimed her to be. You don’t have the rights to call us names, especially if you don’t know the whole truth,” sey pa ni Chantal.

Sinabi rin ng ate ni Francine na mayroon siyang alam pero ayaw na niyang sabihin pa.

“I’m speaking up, ‘cause you guys are being too much and the year is almost ending, just leave it here na. Be thankful na we are still considerate,” lahad niya.

“I could end you with what I know, if I want to. But I’ll choose not to,” pagtatapos ni Chantal.

AUTHOR PROFILE