Default Thumbnail

SERYOSUHIN ANG DREDGING PROJECT PARA MAIBSAN ANG PROBLEMA SA BAHA!

July 15, 2023 Marlon Purification 259 views

Marlon PurificationHABAGAT pa lang o bago pa man pumasok sa bansa ang bagyong Dodong ay nakaranas na agad tayo ng malalakas na pagbuhos ng ulan dahilan upang malubog muli sa baha ang ilang bahagi ng bansa.

Paulit-ulit na ang ganitong uri ng problema.

Para bang kahit sino na yata ang maupo sa Palasyo ng Malakanyang ay wala nang pag-asa pang masugpo ang problema sa malawakang pagbaha.

Maraming dahilan kung bakit tayo nalulubog sa baha.

Una rito ang paglapastangan sa inang kalikasan, likha ng mga illegal mining, illegal quarry, illegal na pagtotroso at walang patumanggang pagtatapon ng basura kung saan-saan.

Malaki rin ang problema natin sa ‘urban planning’ dahil kapos sa kaalaman at pag-aaral ang ginawa ng mga nakalipas na administrasyon para higpitan ang tamang paglalagay ng mga gusali at malalaking istraktura na nakukumpurmiso ang ating mga drainage, kanal o creek sa iba’t ibang sulok ng barangay.

Kaya nga kung talagang magkakaroon lamang ng ‘political will’ para ipatupad ang proyekto sa paglaban sa malawakang baha, nasisiguro kong kahit papano ay maiibsan ito kahit inang kalikasan na ang kalaban.

Ilang araw bago manalanta si Dodong, naglabas ng ‘red flag’ ang Commission on Audit (CoA) sa Metro Manila Development Authority (MMDA) dahil sa kabiguang ipatupad ang 33 dredging projects na nagkakahalaga ng P825.382 million.

Ang masaklap, ayon sa COA report ay napipilitang magbayad ng P27 million ang pamahalaan bilang penalty sa kabiguang magamit ang inutang na pera na isang malaking pagsasayang sa kabang yaman ng bansa.

Isipin n’yo na lang kung ilang paaralan, pabahay o patubig sa magsasaka ang mararating ng P27 million na ibinabayad lamang ngayon dahil sa utang na resulta ng kapabayaan?

Maging si Paranaque City Rep. Gus Tumbinting ay naalarma sa pangyayaring ito.

“I have read in the newspapers that the MMDA has cited three reasons for these delays: the Covid-19 pandemic, the election ban, and challenges in the procurement process for foreign-assisted projects,” sabi ni Tambunting.

Ayon sa kanya, maraming pagkukulang at kapabayaan ang nangyayari ngayon sa MMDA.

Malinaw aniya sa mandato ng Metro Manila Flood Management Project na kailangang palawakin pa nang husto ang ‘flood management’ upang matugunan ang paulit-ulit na problema ng mawalakang pagbaha sa tuwing sumasapit ang habagat, bagyo at tag-ulan.

Sinabi ng mambabatas na halos isang taon na aniyang ‘lifted’ ang restrictions sa pandemic ng Covid-19 kaya hindi dapat ito gawing katwiran ng tanggapan ni Artes.

“For the election ban, this is a perennial and cyclical issue that should have been foreseen and adequately planned for by the MMDA. Any agency should foresee these restrictions in its project timelines and takes proactive measures to ensure timely implementation, minimizing any disruption caused by the election period,” dagdag ni Tambunting.

“For the procurement guidelines in foreign-assisted projects, there is a need to introduce measures that harmonize the government’s procurement rules with those of major international financial institutions involved in foreign-assisted projects.”

“As you know, Republic Act 9184 adopts international best practices in public procurement processes. These “international best practices”, of course, are scattered all over the place, and sometimes, our agencies encounter them on a project to project basis depending on the foreign lender’s policies. As a result, the procurement processes in foreign-assisted projects present a challenge for most of our agencies, who are used to the existing general government procurement rules,” wika pa niya.

Ayaw kong isisi ang lahat ng nangyayaring pagbaha ngayon kay MMDA acting Chairman Romando Artes dahil tulad ng sinabi ko, maraming sanhi ang naturang problema na kahilangan ng isang komprehensibong plano.

Ngunit kung may lumalabas na ganitong ulat na napabayaang proyekto sa kabila ng pagkakaroon ng P825.382 million, malaking sayang ito sa pagkakataon at oportunidad.

Marami tayong buhay at ari-arian ang maagang maililigtas dahil sa pamemerwisyo ng baha.

Para sa kaalaman ng lahat, ang pondo ng MMDA sa ‘estero maintenance’ ay P1.2 billion kada taon.

Ibig sabihin, nakasuporta po ang Mataas at Mababang Kapulungan sa pondong hinihingi ng MMDA para maibsan ang suliranin sa ‘flooding.’

Kailangan lang talagang maging seryoso ang MMDA at ilang lokal na opisyales ng pamahalaan na maipatupad ito nang mấayos, tama, komprehensibo at mabilis.

Para naman makahinga-hinga tayo kahit kaunti sa problema ng baha sa Pilipinas.