
Senglot na kelot nilamon ng dagat
DEDO noong Biyernes ang isang hinihinalang lasing nang malunod habang naglalangoy sa isang beach resort sa Barangay Matabungkay, Lian, Batangas.
Ang nasawi ayon sa mga pulis Lian ay kinilalang si alyas Helario, 38, at residente ng Barangay Calzada, Tipas, Taguig.
Sa imbestigasyon napag-alamang ang biktima kasama ang kanilang mga ka-anak ay nagrenta ng isang floating cottage sa resort.
Ang biktima habang nasa ilalim ng impluwensya ng alak ay naligo at lumangoy sa karagatan.
Ngunit siya ay napag-alamang ay nalunod at natuklasang lumulutang sa ilalim ng cottage.
Kaagad na isinugod ang biktima sa Apacible Memorial District hospital ngunit idineklara itong dead on arrival ng kanyang attending physician na si Dr. Mary Joy Sevidal.