Zubiri

Senado ilalatag Chacha ng husto sa pagbalik sesyon

January 22, 2024 PS Jun M. Sarmiento 148 views

BALIK-SESYON ang Senado ngayong Enero 22, 2024 kung saan ay ilalatag ng husto ang prioridad kagaya ng Charter Change na tatalakayin ng masinsinan gayundin ng iba pang mga mahahalagang batas na kinakailangan ng agaran kilos upang maipasa o maamyendahan.

Kasama sa inaasahang gagawin ng mga mambabatas ng Senado ay ang pagtalakay sa pag amyenda ng kasalukuyang batas na ipinasa nuong 1987 o 37 na taun na ang nakararaan kung saan ay pinaniniwalaan ng marami na hindi na ayon sa kasalukuyan panahon.

Ayon kay Pangulo ng Senado na si Senate President Juan Miguel Migz Zubiri, ang Resolution ng dalawang Kamara na tinawag nilang Both Resolution of Both Houses No. 6 (RBH # 6) ay paraan upang amyendahan ang ilan sa mahahalagang probisyon ng Saligang Batas ng bansa.

Nanguna si Zubiri kasama sina Senate President Pro Tempore Loren Legarda at Senador Juan Edgardo Sonny Angara na lumagda upang agaran na talakayin ito sa Senado at mailahad ng maayos sa mga kapwa senador.

Ang pagtalakay dito ay pangungunahan ni Senador Angara na syang chairman ng Committee on Finance ay nagsabing magiging transparent maging sa taong bayan ang gagawing pagtalakay sa isyung ito upang marinig lahat ang kani kaniyang opinyon sa pag amyenda ng Saligang Batas.

Naunang niliwanag ni Zubiri na malilimita lamang aniya sa edukasyon, public services at advertising ang babaguhin sa kasalukyan na Konstitusyon.

Tatalakayin din ng Senado ang panukalang pagtataas muli ng sahod ng mga kasambahay sa National Capital Region at CARAGA region na target nilang isakatuparan ngayon Enero ng kasalukuyan taun.

Niliwanag ni Zubiri na magkakaroon ng matinding talakayin at debate lalo pa sa pag-amyenda ng kasalukuyan batas sa pagitan ng mga senador.

Tiniyak din ni Zubiri na ang anuman galaw ng mangyayari sa Senado partikular sa pag amyenda ng batas ay lalahukan ng iba’t ibang sektor upang dinggin ang kanilang mga opinyon at pananaw ng mga eksperto para masigurong maayos na pagsasagawa ang kanilang ipapatutupad sa nakaambang na Cha Cha na isasagawa ng dalawang Kongreso sa magkahiwalay aniyang botohan.

Matatandaan na bago nagsara ang sesyon ng Kongreso nuong nakaraan taun ay naipasa nila ang 2024 na budget na agaran pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos jr., gayundin ang iba pang mahahalagang probisyon at batas.