
Sen. Win nangangamba sa epekto ng 17% tariff rate ng US sa PH
NANGANGAMBA si Sen. Sherwin Gatchalian sa magiging epekto ng pagpapataw ng US ng 17% reciprocal tariff laban sa Pilipinas sa gitna ng pagiging pinakamalaking export market ng bansa ang Amerika.
“Despite the seemingly advantageous position of the Philippines compared to its ASEAN counterparts following the imposition by the United States of higher reciprocal tariffs, we must identify the potential impact particularly on overseas Filipino workers and the business process outsourcing industry as both are vulnerable to a global economic slowdown,” ani Gatchalian.
Sa paghahain niya ng Senate Resolution 1343, binigyang-diin din ni Gatchalian ang pangangailangang suriin kung paano maaaring maapektuhan ang bansa ng mga abala sa supply chain, gayundin ang posibleng pag-alis ng mga manufacturer na nagnanais umiwas sa mga taripa.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, umabot sa $12.12 bilyon ang halaga ng mga produktong in-export ng Pilipinas sa US noong 2024.
Katumbas ito ng 16.6% ng kabuuang export ng bansa at nagpapakita ng 4.7% pagtaas mula sa $11.55 bilyon noong 2023.