Risa

Sen. Risa sa China: Layuan mo ang PH, amin ang Panatag!

May 14, 2024 PS Jun M. Sarmiento 115 views

CHINA, keep your hands off our vessels and people.”

Ito ang mensahe ni Sen. Risa Hontiveros hinggil sa napapabalitang pagharang ng malaking pwersa ng China sa civilian mission sa May 15-17, 2024 sa Panatag Shoal para ipakita ang suporta sa paglalayag ng mga Pilipino at patunayan na pag-aari ng Pilipinas ang shoal.

Para kay Hontiveros, mapangahas at nakapangingilabot ang gagawin ng China sa diumano’y pagpapadala ng mga ito ng malaking pwersang haharang sa nakatakdang misyon ng “Atin Ito (This is ours) Coalition” na pinamumunuan ng grupong Akbayan.

“Not one of the Atin Ito participants should be harassed or intimidated. Not one of our compatriots should fear for their safety,” giit ni Hontiveros.

“It is outrageous how China is reportedly sending a huge force to block this civilian mission. Kung maka-asta ang Tsina, akala mo sa kanila ang karagatan,” ani Hontiveros.

Sinabi pa ni Hontiveros na patuloy ang pagpapakalat ng kasinungaling ng Tsina laban sa mga Pilipino kaugnay ng WPS issue para baluktutin ang katotohanan pabor sa kanila.

Ipinaliwanag din ni Hontiveros na ang adhikain ng grupo ipakita ang kanilang supporta sa kasalukuyan sitwasyon ng ating mga mangingisda sa lugar na ‘yun, bigyan ang mga ito ng karagdagan pagkain gayundin ang pagpapakita ng kanilang suporta sa pangkabuhayan ng mga ito.

“This group of ordinary and private citizens simply wants to deliver goods to fellow Filipinos whom China has long deprived of food and livelihood.

The coalition should be free to navigate within our Exclusive Economic Zone. Bilang mga Pilipino, karapatan nilang lumayag sa EEZ ng Pilipinas,” giit ng senadora.