Revilla Nakipagkamay si Sen. Bong Revilla Jr. (gitna) kay Mayor Arvin Salonga (kaliwa) nang bumisita sa San Antonio. Nasa larawan din ang anak ng alkalde na si Arvin Carl Salonga (kanan).

Sen. Bong may ayudang P63M sa San Antonio

April 22, 2024 Steve A. Gosuico 145 views

SAN ANTONIO, Nueva Ecija–Nagbigay ng P63 milyong pondo si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. para sa limang construction projects sa bayang ito kamakailan.

Sa limang proyekto, nagkakahalaga ng P58 milyon ang apat na natapos na ngayong 2024 at ongoing pa rin ang isa pang proyekto na nagkakahalaga ng P5 milyon.

Kasama sa mga natapos na proyekto ang 2.5-kilometrong pagkonkreto ng kalsada sa Brgy. Buliran na nagkakahalaga ng P25 milyon; isang 1.5-kilometrong kalsada na may probisyon ng drainage sa Brgy. Santo Cristo na nagkakahalaga ng P25 milyon; ang pagtatayo ng multi-purpose building na nagkakahalaga ng P3 milyon sa Brgy. Maugat at ang pagsesemento ng kalsada sa Brgy. Sta. Barbara sa halagang P5 milyon.

Nagpasalamat si Mayor Arvin C. Salonga kay Sen. Revilla sa pagkilala sa bayan at pagtulong sa mga proyektong pang-imprastraktura para sa kapakanan ng kanyang mga nasasakupan.

Inilarawan ni Salonga ang isa sa mga natapos na proyekto na kalsada ni Revilla sa Bgy. Buliran bilang “ugat para sa paglago at pag-unlad” kung saan dumadaloy ang lokal na ekonomiya.

“Napakalaki ang tinipid ng travel time dahil sa kalsadang bago na ito. Imbes na tatakbo ka ng 40 to 50 minutes at iikot ka pa ng malayo, dito tatakbuhin mo lang ng anim na minuto,” ani Salonga.

Samantala, nagpasalamat din ang alkalde kay Sen. Jinggoy Estrada sa palaging pag-alala sa kanyang.

Nabatid na nasa kabuuang P24.4 milyon na halaga ng road-concreting projects ang nakatakdang magsimula sa bayang ito kasunod ng pagpapalabas ng Notice To Proceed (NTP) sa mga local contractor.

AUTHOR PROFILE